Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., nagpasaringan sa isa't-isa

Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., nagpasaringan sa isa't-isa

- May mga banat para sa isa't-isa ang pambansang kamao na si Senator Manny Pacquiao at si Floyd Mayweather Jr.

- Kaugnay ito ng kumalat na video ni Mayweather kung saan nabanggit nito ang "rematch" sa pagitan nilang dalawa

- Ngunit para kay Pacman, ginagamit na naman daw ni Mayweather ang kanyang pangalan for publicity

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pinalagpas ni pambansang kamao Senator Manny Pacquiao ang video ni Floyd Mayweather kung saan nabanggit nito ang posibleng "rematch" nilang dalawa.

“It’s an honor to come to Saudi Arabia to sit down with you guys to talk about the Mayweather-Pacquiao rematch. Saudi Arabia, Floyd ‘Money’ Mayweather, I’m on my way,” ani Mayweather sa video.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, pinasaringan niya si Mayweather na mukhang ginagamit na naman daw ang kanyang pangalan for publicity.

“Looks like @FloydMayweather is using my name again to get himself some attention. #FunnyMoney,” ani Pacman.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit sa isang panayam naman kay Mayweather sinabi nito na ang video ay "false" at kuha pa siyam na buwan na ang nakaraan, base sa ulat ng Inquirer.

Pinabulaanan din nito ang posibleng rematch nilang dalawa.

Apat na taon na ang nakaraan mula noong unang laban ng dalawa kung saan tinalo ni Mayweather si Pacman by unanimous decision.

“Basically, that’s an old video. At the end of the day, there’s no talks about me and Manny Pacquiao fighting a rematch. Even if we did fight, all they’re going to do is have an excuse, just like the first time,” anito.

“The first time, you know, he can raise his hand after the fight is over, then all of a sudden, his shoulder is messed up. Excuse after excuse, you know what I’m saying. A real champion, you know, he takes his wins like a man and he takes his losses like a man. But as far as me and Manny Pacquiao, as of right now, it will never be a rematch," dagdag pa nito.

Samantala, kamakailan lang, naiulat ng KAMI ang pamimigay ni Senator Pacquiao ng balato sa ilang kababayan niya sa Sarangani.

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao.

Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang. Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa buong mundo.

Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa kasalukuyan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel