Raffy Tulfo, nabigong ayusin ang gusot ng 1 Pakistani at ex nitong Pinay

Raffy Tulfo, nabigong ayusin ang gusot ng 1 Pakistani at ex nitong Pinay

- Hindi na nagkasundo pa ang Pakistani na nagreklamo kay Raffy Tulfo at ng ex-GF nitong Pinay

- Mas tumindi pa ang sumbatan at labasan ng mga nakaraang isyu ng dalawa sa part 5 ng reklamo

- At kahit si Tulfo na nais sana silang aregluhin ay wala nang nagawa pa nang mismong ang mga ito na ang nagmatigas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabigo nang ayusin ni Raffy Tulfo ang alitan sa pagitan ng dating magkasintahan na sina Muhammad Arslan Athar, isang Pakistani at ng Pinay na si Rose Corazon Mataac.

Umabot na sa part 5 ang reklamong nag-ugat lamang sa kasal na hindi natupad ni Mataac.

At mas tumindi pa ang mga rebelasyon at sumabatan ng dalawa sa isa't-isa!

Una nang naiulat ng KAMI nang idulog ni Athar ang reklamo laban kay Mataac na umano'y umabot na sa P3.5 million na ang nakuha mula sa kanya at nangako na pakakasalan siya.

Nais na lang daw nito na makuha ang P300,000 mula sa babae na ginastos niya para mapawalang-bisa ang kasal nito sa mister nito sa Pinas.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kasama na rin dito ang mga nagastos niya nang magpabalik-balik siya sa Pinas. Nangako naman ang dayuhan na ang halagang ito ay ido-donate niya sa charity.

Ngunit hindi nakipagkasundo si Mataac at nanindigan na hindi ibigay ang halagang hinihingi ng kanyang dating nobyo.

Idadaan daw nito sa legal na paraan ang lahat at magsasampa rin ng kaso laban sa dayuhan.

Hanggang sa huling sandali ng kanilang pag-uusap at nagpatigasan pa rin ang dalawa at hindi na talaga nagkasundo.

Sa kasalukuyan, nakabalik na sa Dubai si Athar ngunit pursigido itong ituloy ang kaso laban kay Mataac.

Samantala, isang Pinay naman na kaibigan nito ang nagbigay ng testimonya para patunayan ang karakter at pagkatao ni Athar na inaakusahan ni Mataac ng pananakit.

Pinasinungalingan ito ng Pinay at sinabing labis-labis na minahal lamang ni Athar ang babae.

Nangako ito na babalik sa Pilipinas para ituloy ang reklamo sa dating nobya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel