Puno na ang salop! Ginang, 'di na kaya pang makisama sa kanyang mister

Puno na ang salop! Ginang, 'di na kaya pang makisama sa kanyang mister

- Matapos na mai-ere ang reklamo ng isang complainant sa Aksyon sa TV5, sinamahan naman siya ng programa sa Bacolod para sundan ang kanyang mag-iina

- Idinulog kasi ng lalaki ang kanyang problema sa pag-iwan sa kanya ng pamilya

- Ngunit nagmatigas na talaga si misis na hindi na muna makipagbalikan sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Puno na ang salop! Hindi na raw kaya pang makisama ng ginang na si Ady Gallado sa kanyang kinakasama na si Louie Muñoz.

Una nang naiulat ng KAMI ang paghingi ng tulong ni Muñoz para makausap si Gallado sa programang Aksyon sa TV5 kung saan niya nakausap si Raffy Tulfo hinggil dito.

Ayon kay Muñoz, hindi sila nagkaintindihan ng kinakasama sa kanilang negosyo.

Hindi na rin daw niya ito makontak at napag-alamang nasa Bacolod na.

Nais daw sana ni Muñoz na magkaayos pa sila ni Gallado para mabuo na ang kanilang pamilya.

Ngunit sa kanilang paghaharap sa Barangay Alangilan sa Bacolod City kung nasaan sila Gallado, bumuhos ang lahat ng emosyon ng ginang.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Giit nito, kalbaryo na ang kanyang sinapit kay Muñoz. Bukod sa nananakit na ito ay nambabae pa umano ito.

May pagkakataon din daw na inabandona siya ni Muñoz sa ospital at isang buwan siyang hindi pinuntahan.

Maging ang kapatid ni Gallado ay naglabas din ng sama ng loob sa lalaki.

Bagamat inamin ni Muñoz ang pananakit niya, itinanggi naman niya ang akusasyon ng pambababae at pag-abandona sa kinakasama.

Humingi rin ito ng tawad sa kanyang mga nagawang mali at nakiusap na ayusin na lamang ang kanilang problema.

Bagay na hindi na napagbigyan ni Gallado bagamat nakipagkasundo ito na muling suyuin ni Muñoz.

Nais daw nito na ipakita muna ng lalaki ang pagbabago upang magkaroon muli ng second chance para sa kanilang dalawa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel