"Duterte", nasa urban dictionary na ngunit may kakaiba itong kahulugan

"Duterte", nasa urban dictionary na ngunit may kakaiba itong kahulugan

- Nasa Urban dictionary ang apelyido ni Pangulong Digong

- Tila iba ang pakahulugan nito na halos lahat ay may kaugnayan sa panloloko

- Habang ang ilan ay natawa na lamang, ang iba naman ay tila di natuwa sa ginawa na ito ng sinumang nagsumite ng salita at kahulugan dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang entry na sa Urban Dictionary ang apelyido ng ating Pangulo Rodrigo Duterte.

Ayon sa Rappler, Hulyo ng taong kasalukuyan ang nang opisyal na maipasok ang Duterte sa Urban dictionary. Isa itong online dictionary.

Pag nai-type mo ang pangalan ni Pangulong Duterte, agad na lalabas ito pati na rin ang ibang mga salita na may kaugnay sa apelyido ng pangulo.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ngunit kahit pa ito ay nasa diksyunaryo na, ang lumalabas naman na pakahulugan nito ay may kaugnayan lahat sa 'panloloko.'

"v. to scam, trick, con, or use unscrupulous means to an end; to betray adj. deceptive, sly, fake, corrupt, crooked; treacherous; of low quality n. a scam, sham, or rip-off; a traitor" ang kahulugang ibinigay ng nasabing online dictionary na ito.

Binigay pa nito ang halimbawang: "Inidorong isang gamitan lang, sira na?! Naduterte ako."

Samantala, taong 2018 pa lamang, nauna nang narehistro roon ang salitang "Dutertard."

Pinagsama raw itong "Duterte" at "retard."

Ayon sa Rappler, di gaanong strikto ang pagrerehistro ng mga salita sa Urban dictionary. Isang aktibong email lamang ang kailangan ng netizen na nais magpasok ng bagong salita rito.

Habang ang ilan ay natawa na lamang sa depinisyon ng salitang 'Duterte', ang ilan naman ay di natuwa rito.

"Duterte", nasa urban dictionary na at may kakaiba itong kahulugan

source: Urban dictionary
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Too much freedom of speech... very unkind word for the President who have done so many improvements in our country!"
"Di kaya binayaran ninyo at ng mga big time sponsors nyo ang urban dictionary na yan para siraan lang ang presidente?"
"Foul naman ito... ano kaya reaksyon mismo ng presidente dito"
"Hala, antapang naman ng nag-submit nito"
"Lagot kayo kay tatay Digong"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel