3 senior citizens na naireport na nawawala, nagkwento sa sinapit sa China

3 senior citizens na naireport na nawawala, nagkwento sa sinapit sa China

- Matapos na maiulat ang pagkawala ng tatlong senior citizens na nagbakasyon sa US at nag-layover sa China, nakauwi na kagabi ang mga ito

- Isang linggong stranded sa China ang tatlong retired public school teachers

- Ang masaklap pa, marami sa kanilang mga bagahe ang nawala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang isang linggong paghihintay ng mga kaanak ng tatlong nawawalang senior citizens, nakauwi na ang mga ito kagabi, maghahatinggabi ng Linggo.

Una nang naibalita ng KAMI ang pagkawala ng tatlong retiradong guro na pabalik na sana sa Pinas noon pang Aug. 10.

Kinilala sila na sina Pacita de Duzman, 77-anyos, Josefina Varela Baysic, 70, at Erlinda Varela Guce, 72.

Ayon sa kanila, pauwi na sila mula sa limang buwang bakasyon sa Amerika sakay ng China Eastern Airlines at may connecting flight sa Shanghai, China ngunit nakansela ito dahil sa sama ng panahon.

Sa halip ay nailipat ang kanilang paglapag sa Wuhan, China.

"Basta ang sabi, 'Your flight is cancelled because of the bad weather.' Pero di naman alam kung kailan kami makakasakay. Hindi sinasabi," pagbabahagi ni De Guzman sa panayam ng GMA News.

Napag-alaman pang expired na ang kanilang mga numero sa cellphone dahil galing pa sila sa US kung saan sila nagbakasyon.

Wala rin daw ipinagamit ang airline para makontak nila ang mga kaanak sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Noong una raw ay pinatuloy pa sila sa hotel ngunit kinalaunan ay pinabalik rin sa airport kung saan nila nadiskubre na chance passenger lamang sila.

"Nakaupo lang kami doon with our so many baggages there. May one time na natutulog kami, yakap-yakap namin ang aming mga baggages. Nagrorosaryo kami, nagdadasal kami na Lord, please help us," dagdag pa ni De Guzman.

Ayon naman kay Baysic, marami sa kanilang mga gamit ang nawawala.

"Noong kinuha namin ang mga baggages namin, nakita ko wala na yung susi nung ano... tanggal na yung susi. Tapos halos wala nang laman yung aking mga baggage na yun," anito.

Bago nito, humingi na ng tulong ang kanilang mga kaanak sa media para makarating sa mga kinauukulan.

At matapos nga na maiulat ang pagkawala ng magkakapatid, nakatanggap sila ng email mula sa airline na makakauwi na ang mga ito.

Pinag-iisipan pa raw ng pamilya kung magsasampa sila ng kaso kaugnay ng insidente.

Wala pang pahayag ang China Eastern Airlines base sa mga ulat na lumabas.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel