Matapang na jeepney driver, 'di inakalang si Mayor Isko na ang sumita sa kanya

Matapang na jeepney driver, 'di inakalang si Mayor Isko na ang sumita sa kanya

- Hindi inakala ng isang jeepney driver na mismong si Mayor Isko na pala ang sumita sa kanya at nasagot pa ito ng pabalang

- Napagtanto na lamang niya ito nang lumabas na ang alkalde mula sa sasakyan nito

- Papunta sa isang ospital si Mayor Isko nang ma-spot-an nito ang nakabalandrang jeep na agad niyang tinawag ang pansin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napakamot na lang sa ulo ang isang jeepney driver nang mapagtantong ang sumita pala sa kanya ay ang alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno Domagoso.

Sa Facebook live na ibinahagi ni Mayor Isko kagabi habang nag-iikot ito sa Maynila, kita ang insidente kung saan pabalang na sumagot ang driver nang sitahin ng alkalde.

Papunta sa isang ospital si Moreno nang ma-spot-an nito ang jeep na nakabalandra.

Tinawag nito ang pansin ng driver at pinaabante nito.

“Brad, brad baka gusto mong umabante?” ani Mayor.

Hindi nagustuhan ni Moreno ang ipinakitang ugali ng nasitang driver kaya agad niya itong pinababa at inutusan ang isa sa kanyang mga kasama na hulihin ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Teka lang ha… matapang pa eh, hulihin mo nga chief,” anito.

Nang makababa ay agad na pinuntahan ng alkalde ang naturang driver na laking-gulat naman nang makilala ang lalaking sumita sa kanya.

Mabilis na humingi ito ng paumanhin kay Mayor Isko.

"O ngayon kilala mo ko, kanina 'di mo ko kilala," sabi naman ni Mayor.

Wala naman itong nagawa kundi ang magpaliwanag nang kunin ni Moreno ang lisensiya nito.

“Noong sinisita mo ang yabang pa eh… tapos noong hinuhuli na namin lahat na ng kuto inabot, pati lisa yata nagkaroon sa ulo eh puro kamot ang inaabot, pati tiyan binalakubak kasi kinakamot eh,” sabi pa ng alkalde.

“Mga kababayan, hindi komo alas dose ng hating gabi babalandra sa kalye wala kayong kusa… pag hinuhuli kayo anong nangyayari? lahat ng kuto inaabot niyo, kamot dito kamot doon,” dagdag pa ni Moreno.

Sa isang ulat ng KAMI, kamakailang lang ay pinasinayanan ni Mayor Isko ang 'ISKOnek' para sa libreng Wi-Fi, free calls at charging station sa Maynila.

Si Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay ang ika-27 mayor ng siyudad ng Maynila.

Bago ito naging politiko ay isa itong aktor na sumikat sa programang "That's Entertainment" ni German Moreno.

Nadiskubre ito sa isang lamay at doon na nagsimula ang kanyang career bilang aktor.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel