In-laws, pangunahing problema nilang mag-asawa ayon kay misis

In-laws, pangunahing problema nilang mag-asawa ayon kay misis

- Naglabasan ng sama ng loob ang mag-asawang De Leon nang magharap ang mga ito sa programa ni Raffy Tulfo

- Una nang nanawagan ang ginang para bumalik ang kanyang mister na lumayas daw dahil sa kanyang mga posts sa social media

- Hindi naman naiwasan ng mister na maiyak dahil sa labis na sama ng loob sa asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mainit ang naging sagutan ng mag-asawang Ronald at Chona de Leon nang magharap sa programang Wanted sa Radyo.

Pangunahin nang inireklamo ng ginang ang kanyang mga in-laws dahil sa pakikialam ng mga ito sa kanilang mag-asawa.

Hindi naman itinanggi ni Ronald na hindi gusto ng kanyang pamilya si Chona dahil daw sa ugali nito.

Ngunit ayon dito ay hindi naman nakikialam ang kanyang pamilya at may sarili siyang desisyon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bukod dito, inireklamo rin ni misis ang kanilang savings sa banko na hindi raw ipinapakita sa kanya ng mister.

Pinasinungalingan naman ito ni Ronald at sinabing kay Chona nakapangalan ang account.

Paglalahad pa ni mister, hindi na nito matiis pa ang bunganga ng kanyang asawa at ang pagiging praning ng ginang.

Sinubukan naman silang pag-ayusin ni Tulfo para na rin sa kanilang pamilya.

Bagamat pumayag na makipagsundo si Ronald, tumanggi pa ito noong una na makisama agad sa asawa.

Nais daw muna nitong ayusin nila ang sarili nila para na rin sa kanilang pamilya.

Ngunit kinalaunan ay pumayag na rin ito kasunod ng pangako ni Chona na babaguhin na nito ang sarili.

Sa huli ay nagkasundo na rin ang mga ito na lumipat na lamang ng tirahan malayo sa mga kaanak ni mister.

Nag-alok naman ng tulong si idol Raffy para sa dalawa.

Una nang naiulat ng KAMI ang reklamo ni misis kaugnay sa pag-alis ni mister sa kanilang bahay na dahil daw sa mga posts sa social media!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel