James Yap, aminadong mas masaya at tahimik ang buhay ngayon

James Yap, aminadong mas masaya at tahimik ang buhay ngayon

- Ibinahagi ni James Yap ang kanyang buhay ngayon, malayo sa showbiz

- Nakatutok diumano siya sa kanyang pamilya at negosyo

- Iniwasan din niyang makapagbigay ng komento nang matanong tungkol sa kanyang ex-wife na si Kris Aquino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay James Yap, mas masaya. at tahimik ang kanyang buhay ngayon. Abala siya sa pagba-basketball, pagiging negosyante, at ama sa kanyang dalawang anak.

Kahit abala sa kanyang negosyo ay nagbibigay daw siya ng oras para pamilya.

“Well kailangan magbigay din ng time sa family, kasi syempre itong business na ‘to para sa family, so naiintindihan naman nila ako kung busy dito, kasi para naman to sa kanila.”

Pinapakita niya ang pagpapahalaga sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagbigay ng oras para sa kanyang mag-iina.

Kamakailan lang ay nagdiwang ng 1st birthday sa Italy ang kanilang pangalawang anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Kailangan i-manage mo talaga ang time mo kasi pag nag-bigay ka ng time sa business, kailangan may time ka din sa family mo, kailangan talaga ‘yun para hindi magkagulo,” aniya pa.

Kabilang sa naitanong sa basketball player ay tungkol sa kanyang ex-wife na si Kris Aquino at anak na si Bimby.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

“Ayaw ko na mag comment,” sagot niya nang maitanong kung nagkikita pa sila ni Bimby.

Si James Carlos Agravante Yap Sr. ay isang professional basketball player para sa kuponang Rain or Shine Elasto Painters ng PBA o Philippine Basketball Association. Naging asawa niya ang aktres at TV host na si Kris Aquino ngunit nagkahiwalay din sila matapos ang halos limang taong pagsasama.

POPULAR: Read more about James Yap here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard | HumanMeter

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? Check out Human Meter's newest video. Click the play button and recite along to check if you can still recall the "Panatang Makabayan."

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel