Agency ng OFW na niloko ng amo, nakatikim at 'di nakapiyok kay Raffy Tulfo

Agency ng OFW na niloko ng amo, nakatikim at 'di nakapiyok kay Raffy Tulfo

- Hindi na nakatanggi pa ang representative ng isang agency nang deretsong kausapin ito ni Tulfo kaugnay sa kaso ng isang OFW

- Bukod sa niloko na ang Pinay OFW ay tatlong buwan pa raw itong hindi pinasahod ng amo

- Hindi rin nakalimutan ni Tulfo na tulungan ang OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na naasar ang sikat na broadcast journalist na si Raffy Tulfo sa sinapit ng isang OFW na bukod sa niloko na raw ng amo ay hindi pa pinasweldo ng tatlong buwan.

Reklamo ng OFW na si Lany Recaña, ipinasa raw siya ng original niyang amo sa nanay at kapatid nito at hindi nasunod ang kontrata niya.

Pagkatapos ay nais pa raw nito na mahati ang sahod niya at ng isa pang kasambahay nito nang minsan silang magkasabay ng paninilbihan dito noong December nang bawiin siya mula sa nanay ng amo.

Dinaya rin daw siya ng amo ng dalawang buwan at pinapirma pa sa isang kasulatan na nagsasabing nakuha na niya ang dalawang buwang sweldo.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, inobliga ni Raffy Tulfo ang manager ng agency na American Prime Manpower Services Inc., na si Marites Soriano na ibigay ang tatlong buwang sweldo ng OFW.

Ngunit ayon kay Soriano, kailangan pa nilang i-verify ang insidente para makasiguro na hindi na napasahod si Recaña.

Sabi pa nito ay inaasikaso naman nila ang mga reklamo ng kanilang mga OFW.

Humingi pa ito ng palugit ngunit hindi na nagbigay pa si Tulfo lalo pa at nalaman niya ang kahabag-habag na sinapit ng OFW.

Ayon pa kay Recaña, isang taon na daw nilang tinatawagan ang agency ngunit hindi ito ma-contact. At may mga balitang nakarating sa kanya na nagsara na ito.

Samantala mariing ipinahayag ni Tulfo ang suporta at simpatya para kay Recaña at sa iba pang OFW.

Hindi rin nakalimot na tulungan ni Tulfo si Recaña at inabutan ng P10,000 bilang tulong dito.

Nangako rin ito na ito na ang sasagot sa mga pasalubong na hindi na nabili pa ng kawawang OFW kahit pa nga magalang naman itong tumanggi kay idol.

Samantala, binigyan lamang nito ng hanggang Lunes ang American Prime para asikasuhin ang kaso ni Recaña.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel