Lalaking inireklamo ng pananakit, may bwelta laban sa nanay ng kanyang GF

Lalaking inireklamo ng pananakit, may bwelta laban sa nanay ng kanyang GF

-Nais daw na ma-rescue ng isang ginang ang kanyang anak mula sa mapanakit nitong nobyo

-Bagamat inamin ng dalaga na sinaktan siya ng lalaki ay itinanggi naman ito ng lalaki at sinabing mayroon siyang matinding dahilan

-Bwelta pa ng lalaki, mayroon daw kasing ibang lalaki na gusto ang ginang para sa dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Idinulog ng ginang na si Teofista Enalios ang kanyang sumbong laban sa nobyo ng kanyang 25-anyos na anak na si Jessabel Enalios, sa programang Aksyon.

Ngunit may bwelta naman ang lalaki laban sa ginang!

Ayon sa reklamo ng ginang, sinasaktan daw ng nobyo nito na si Arturo Bares Jr., 39-anyos ang kanyang anak.

Gusto ng ginang na makuha mula kay Bares ang anak.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Nang makausap naman ni Raffy Tulfo ang dalaga, tumanggi ito na bumalik agad sa kanyang ina at sa halip ay nangako na uuwi sa kanila sa susunod na linggo para kausapin ang ina.

Inamin naman ng dalaga na nasaktan siya ng nobyo ngunit sinabi nito na mayroon naman daw itong pagkakamali.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pag-amin pa nito, nagkaroon siya ng ibang lalaki kahit sila pa ni Bares.

Sabi naman ni Bares, mabigat lamang ang kanyang mga kamay.

Nakiusap pa ang dalaga sa kanyang ina na huwag nang sampahan ng kaso ang nobyo.

Giit pa ni Teofista, may mga video umano ang anak na pilit pinagawa ng lalaki at ayon dito ay pangbababoy sa kanyang anak.

Itinanggi naman ni Bares ang akusasyon ng ginang at bwelta pa nito, may ibang lalaki raw na gusto ang ginang para sa kanyang anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel