Andrea Brillantes, inaming laking squatter's area siya

Andrea Brillantes, inaming laking squatter's area siya

- Nagbalik tanaw ang aktres na si Andrea Brillantes sa kanyang pinagdaanan bago maaabot ang kanyang maningning na showbiz career

- Ayon sa kanya, taliwas sa paniniwala ng marami na laking mayaman siya, lumaki daw siya sa squatter's area

- Inilarawan din niya ang bahay o pamumuhay nila dati noong hindi pa siya nag-aartista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ni Andrea Brillantes na hindi siya laking mayaman kagaya ng iniisip ng karamihan.

“Actually, lumaki po ako sa squatter’s area. Makikita mo lang ako sa kalsada na nakikipag-laro kung kani-kanino.”

Naranasan din niya umano ang mga bagay na ginagawa ng mga pangkaraniwang bata.

“Nagkukuwelyo pa ‘ko sa mga lalaki dati. Umaakyat ako sa mga puno. Noong one time na hindi namin makita ang keys namin, ang susi sa padlock namin, inakyat ko ang gate namin," kwento ni Andrea.

Nagbalik-tanaw pa ito sa uri ng pamumuhay nila bago pa siya pumasok sa mundo ng showbiz.

“Dalawa ang ano namin, ‘yung sa isa sa bahay ng lola ko,’ yung isa sa Tatay, du’n naman, bundok ‘yun. Bababa pa kami para bumili ng ice scramble, pagsasama-samahin ang pera naming magkakapatid para mag-computer shop. Very basic lang ako, every Sunday, church, then, bibili ng ice cream, kwek-kwek, ‘yun lang.”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Isa sa kanyang pangarap ay ang mabigyan ng sariling bahay ang kanyang pamilya.

“Breadwinner po ako ng f­amily at lahat ng pinagtatrabahuhan ko, para sa amin. Para sa mga kapatid ko, mama ko, mga kailangang bayarin so hindi talaga ‘ko rich."

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

“Kaya wala po akong mga designers-designers, wala pa, wala pa ‘yan sa mga iniisip ko.”

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sa kasalukuyan ay isa siya sa kinaiinisang kontrabida sa patuloy na namamayagpag at pinag-uusapang serye ng Kapamilya network, ang Kadenang Ginto.

Sa naunang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Andrea ang kanyang nararamdaman sa pagbuhos ng biyaya sa kanya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard | HumanMeter

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? Check out Human Meter's newest video. Click the play button and recite along to check if you can still recall the "Panatang Makabayan."

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel