Pambabatok at paninigaw ng 1 motorista sa 1 tiga-kolekta ng basura, huli-cam

Pambabatok at paninigaw ng 1 motorista sa 1 tiga-kolekta ng basura, huli-cam

-Sapul sa isang video na kuha ng isang netizen ang pananakit, paninigaw at pagbabanta ng isang motorista sa isang tiga-kolekta ng basura

-Base sa video na in-upload sa social media, away-trapiko ang pinagmula ng alitan sa pagitan ng dalawa

-Umani naman ng pambabatikos mula sa mga netizens ang motorista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nahuli-cam ang pananakit at paninigaw ng isang lalaking motorista sa isang lalaking nangongolekta ng basura.

Base sa video na in-upload ng Facebook page na Official: Caught On Camera, away-trapiko ang pinagmula ng alitan sa pagitan ng dalawa.

Kita sa kuha ng video ng isang netizen ang galit na galit na lalaki na may-ari ng isang kotse habang sinisigawan ang tiga-kolekta ng basura.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Hindi naman malinaw kung ito ba ang driver ng truck ng basura.

Ngunit umani nang pambabatikos mula sa mga netizens ang motorista lalo pa aktwal na nasaksihan ng marami ang pambabatok nito sa basurero.

"Hambog…!!! akala mo sports car yung sasakyan!!!"

"Bakit kailangan niyang manakit? Hindi ba nag eexist ang insurance? Matapang nga bobo naman."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"kala mo tlga sports car ung sasakyan eh. D ba pde pag usapan? physical contact pa c kumag."

"yan ang mahirap banggaan lang yan. hindi dapat manakit. wag mo masyadong mahalin anong gamit dahil hndi yan matulong sayo kung mamatay k hndi muyan madala. pag tao ang mag buhat sayo pag libing."

"Pede Naman pag usapan at sagot Naman ng government Yan. Grabe maka asta baka Kung ako Yan sinampiga ko pa Yan."

Huli-cam rin at maririnig ang pagbabanta nito. Maririnig din kung makailang beses na minura nito ang kaalitan.

Sa huling bahagi ng video, makikita pa ang lalaki na hinahabol ang tiga-kolekta ng basura ngunit hindi na malinaw kung ano ang kanilang pinag-usapan hinggil sa insidente.

Habang naririnig naman ang ilang boses na tila hindi natuwa sa ginawa ng motorista.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel