65-anyos na lola, masayang nakapagtapos ng elementarya

65-anyos na lola, masayang nakapagtapos ng elementarya

- Marami ang bumilib kay lola Aida na sa kabila ng kanyang edad, pinili pa rin niyang magtapos ng elementarya

- Di niya akalaing matutupad pa ang pangarap niyang makapag-aral muli at makatapos ng elementarya

- Desidido pa rin siyang pumasok ng high school hangga't kaya pa raw niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang ginawa ni lola Aida Morales na sa kabila ng kanyang edad na 65 ay nagawa pa rin niyang magtapos ng elementarya.

Ayon sa Summit Express, isa si nanay Aida sa 15,102 na mga nagsipagtapos ngayong taon sa ilalim ng Alternative Learning system ng Department of Education.

Di akalain ng lola na ang simpleng pakiki-usyoso niya sa mga taga-DepEd na naghahanap noon ng maaring mga estudyante sa ALS ay siyang magiging katuparan pala ng kanyang pinapangarap.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Matagal na kasi niyang hinihiling na magkaroon ng programa ang pamahalaan ng gaya nito kaya naman di na niya pinakawalan ang pagkakataon.

Taong 2017 nang siya ay magbalik eskwela.

At nito lamang Hunyo ng kasalukuyang taon, nakuha na niya ang kanyang diploma sa elementarya.

65-anyos na lola, masayang nakapagtapos ng elementarya

source: DepEd website
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di raw dito nagtatapos ang kanyang edukasyon dahil sabik pa rin siyang matuto. Kaya naman napagdesisyunan niyang magpatuloy pa rin ng high school hangga't kaya pa niya.

Dahil dito, mas lalong nakaka-inspire ang kwento ng pag-aaral ni nanay Aida.

Kaya naman payo niya sa mga kabataang tamad o walang interes sa pag-aaral, gawin siyang huwaran na sa kabila ng kanyang edad, pinili niya ang mag-aral.

Nararapat lamang na bigyang pagpapahalaga ang edukasyon dahil ayon kay nanay Aida ito raw ang bagay sa iyong sarili na di mananakaw ninuman.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel