Senator Pacman, namudmod ng balato sa kanyang mga kababayan sa Sarangani

Senator Pacman, namudmod ng balato sa kanyang mga kababayan sa Sarangani

-Ikinatuwa ng marami sa isang lugar sa Sarangani ang biglaang pamimigay ni Pacman ng balato sa kanila

-Ayon sa isa sa mga staff ng pambansang kamao, bigla na lang daw naisipan nito ang bisitanhin ang lugar

-Kita naman ang kaligayan sa mga mamamayan sa munting tulong ng senador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na ikinatuwa ng maraming mamamayan sa Barangay Spring, Alabel, Sarangani Provincen ang pamimigay ng balato ni Senator Manny Pacquiao sa kanila nitong Sabado.

Sa isang ulat ng ABS-CBN News, sinabi ng isa sa mga staff ni Pacman na si David Sisson na biglaan daw ang pagbisita nito sa lugar.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

"He just thought of going there. He did not inform the media. He just wanted to visit the Pacman village and gave out P1,000 for the adults and P500 for the kids," anito.

Sabi pa nito, hindi daw bababa sa 600 tao ang kaabutan ng people's champ ng balato.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pagbabahagi pa ni Sisson, hindi lamang daw sa ganitong paraan "biglaang" tumutulong ang pambansang kamao.

Kung minsan daw ay bigla na lamang itong hihinto sa kalye para tumulong sa mga kapos-palad.

"Not just the Pacman villagers. There are times that along the highway, he would stop by a tricycle driver or a jeepney driver. He talks to them and then give out some cash," anito.

Si Manny Pacquiao ay isang boxer na naging isang politiko. Ang tunay niyang pangalan ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya'y anak ng popular na si Mommy Dionisia Pacquiao.

Mahirap ang naging buhay ni Pacquiao noong siya'y bata pa lang. Binuhusan niya ng atensyon ang boxing kung kaya't naging magaling siya dito at ngayo'y isa sa mga pinakarespetadong boksingero sa mundo.

Kasal siya kay Jinkee Pacquiao at may limang anak sila sa kasalukuyan. Isa rin si Pacquiao sa mga senador ng Pilipinas sa ngayon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel