Pagpaparetoke ni Ethel Booba, hindi nakaligtas sa batikos matapos niyang magsalita tungkol ‘transgender CR’

Pagpaparetoke ni Ethel Booba, hindi nakaligtas sa batikos matapos niyang magsalita tungkol ‘transgender CR’

- Bilang isa sa pinakapinag-uusapang isyu ngayon ang transgender CR, hindi maiwasang magbigay ng opinyon ang mga artista

- Isa na si Ethel Booba sa naghayag ng kanyang saloobin tungkol sa isyu

- Gayunpaman, may mga netizens na hindi sumang-ayon sa kanya at binatikos pati ang pagpaparetoke nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pabor si Ethel Booba sa panukalang pagpapatayo ng sariling comfort room para sa mga miyembro ng LGBT. Ito ay kanyang ibinahagi sa pamamagitan ng tweet na umani naman ng maraming reaksiyon mula sa mga netizens.

Ilan sa mga personalidad na nagpahayag ng kanilang komento tungkol sa isyu ay sina Vice Ganda, Heart Evangelista, Catriona Gray at Pia Wurtzbach.

Ayon kay Ethel sana ay mabigyan ng sariling comfort room ang mga transgender lalo at naiilang din ang mga kalalakihan kapag nakikita sila sa kanilang CR.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

“Karamihan ng straight na lalaki naiilang sa CR kapag pumasok ang transwoman.

“Uncomfortable din sa mga transwoman na mag CR na tinitingnan sila ng mga naiilang na lalaki.

“Kaya tama lang na gawan ng sariling CR ang mga beki at tibum basta walang glory hole. Charot!” tweet ni Ethel.

May mga umalma naman sa kanyang naging pahayag at tila ginawa niya daw basura ang LGBT members. Hirit pa nila, hindi kailangang i-segregate ang mga kagaya nila bagkus, dapat daw ay tanggapin sila at irespeto.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sagot naman sa kanila ni Ethel, “Acceptance is the main solution but we cannot force people to change it over night.

“Kulang ang ilang taon dahil di lahat open minded. Since nasa transition pa lang yung society natin ng acceptance pwede din yang solution for the meantime. Charot!”

May netizen pang binanggit ang pagpaparetoke ni Ethel bilang halimbawa. “Isipin mo na lang Ethel na bago ka magparetoke, nandun ka sa grupo ng mga taong kulang sa kumpiyansa, and what you just want ay mapabilang sa mga taong confident sa sarili nila so nagparetoke ka dahil yun lang ang way mo to boost your confidence.”

Hindi naman nagpakabog si Ethel at sinagot niya ang patutsadang iyon, “This is different case gurl coz I didn’t force anything on anyone.

“Yes, I surgically overhaul myself and that’s it. It’s still up to others whether they accept me or not. Charot!”

Si Ethyl Gabison o mas kilala bilang si Ethel Booba ay isang Filipino TV personality, author at komedyante. Isa din siyang singer.

Naiulat din ng KAMI kamakailan ang pagkomento ni Ethel sa kontrobersiyal na isyu nina Gerald, Julia at Bea.

POPULAR: Read more about Ethel Booba here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard | HumanMeter

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? Check out Human Meter's newest video. Click the play button and recite along to check if you can still recall the "Panatang Makabayan."

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel