Mamahaling kumot ng aso ni Heart Evangelisto, umani ng samu't-saring reaksiyon

Mamahaling kumot ng aso ni Heart Evangelisto, umani ng samu't-saring reaksiyon

- Ibinahagi ni Heart Evangelista ang picture kung saan nakakumot siya kasama ang aso niyang si Panda

- Napansin ng mga netizens ang tatak ng kumot ng aso ng Kapuso actress

- Ang kumot na iyon ay nagkakahalaga ng $980 o P51,500

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizens ang mamahaling kumot ng aso ni Heart Evangelista. Bukod sa kanyang pagiging fashionista ay kilala rin ang aktres bilang dog lover.

Isa nga sa lagi niyang ibinibida sa kanyang Instagram ay ang alaga niyang si Panda. Nakakasama niya ito sa kanyang mga travels at spoiled din ito.

Kaya naman, umani ng samu't-saring reaksiyon ang picture kung saan isang Hermes Avalon Baby Blanket na nagkakahalaga ng $980 o P51,500 ang gamit ng alaga ni Heart.

May mga umalmang netizens dahil dito.

“Oh Heart… the price of your dog’s blanket will feed and provide lots more blankets for the poor homeless people.”

“How about making that a goal? Provide blankets to the poor?”

“Wag na lang sana ipost idonate na lang sa less fortunate madaming buhay masasagip.”

“Shame on you Miss Heart. Nag yabang ka pa! You are just lucky enough na artista ka and you have that millions on your pocket , remember your husband Chiz Escudero is a public servant!”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Gayunpaman, may mag nagtanggol din sa aktres. Katwiran ng ilang netizens, pera naman niya ang ginamit niya pambili nun at hindi dapat batikusin lalo na at pinaghirapan naman niya ang kanyang kinikitang pera.

Meron ding idinaan sa biro ang komento at nagsabing sana ay aso na lang din sila. May humirit pang gusto daw magpaampon sa aktres.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Samantala, ibinahagi ni Heart ang dinanas na pambu-bully noong siya ay nag-aaral pa lamang.

Ikinasal si Heart Evangelista kay Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay may dalawang anak sa dati niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores.

Bago ang Mother's Day 2018, ipinaalam ni Heart sa social media na siya ay buntis. Sa kasamaang palad, parehong pumanaw ang kambal habang siya ay buntis.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard | HumanMeter

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? Check out Human Meter's newest video. Click the play button and recite along to check if you can still recall the "Panatang Makabayan."

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel