Nanay-nanayan ng mga batang kalye sa Makati, hinangaan ng netizens

Nanay-nanayan ng mga batang kalye sa Makati, hinangaan ng netizens

- Marami ang naantig sa maiksing video ni Nanay Dolores

- Siya ang nanay-nanayan ng mga batang kalye ng Mascardo street, barangay Tejeros sa Makati

- Emosyonal niyang kinuwento kung paano niya inaaruga ang mga batang lansangan sa kanilang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakakaluha ang video tungkol kay Nanay Dolores Frando na tumatayong nanay-nanayan ng mga batang kalye sa Mascardo street ng barangay Tejeros sa Makati.

Binahagi ng netizen na si Tricia Santos ang nakakaantig na kwento ni Nanay Dolores at kung paano niya pinagmamalasakitan ang mga batang lansangan sa kanilang lugar.

Nilarawan niya ang mga bata roon na marumi palamura at takaw gulo.

Ngunit sa kagustuhan niyang matulungan ang mga batang magbago, nagsilbi siyang nanay-nanayan ng mga ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Pinakakain niya ang mga bata, pinaliliguan, binibihisan at higit sa lahat tinuturuang maging mabuting tao sa pamamagitan ng pagpaparamdam niya ng pagmamahal sa mga ito.

Itinuring na niyang mga anak ang mga batang ito na tila ba'y sabik nga sa pagkalinga.

Marahil ay di nila lubos na nakukuha ito sa kanilang mga pamilya o ang masaklap, wala na nga ang mga itong pamilya.

Walang ibang hangad si Nanay Dolores kundi ang magkaroon ng maayos na kinabukasan ang mga batang kanyang kinakalinga. Sana ay maisip daw ng mga ito na sa kanilang pagtanda, maalala nilang minsan ay may nagmahal sa kanila at nagturo kung paano mamuhay ng maayos, malinis, marangal at mayroong pagmamahal.

Dahil dito, aminado ang mga netizens na maging sila ay naging emosyonal habang pinanonood ang video ni Nanay Dolores.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hinangaan nila ang pagkakawanggawa nito na sa mga batang kulang sa kalinga.

"God bless you nanay, napakabuti niyo po!"
"Ito ang tunay na pagmamalasakit. saludo po kami sa inyo nay!"
"Sana dumami pa po ang tulad niyo"
"Nakakaiyak nay, bihira na po ang tulad niyo!"
"Saludo ako sayo nanay Dolores, pagpalain pa po kayo lalo ng poong may kapal"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica