3 Pinay senior citizens, nawawala matapos ang misteryosong layover sa China

3 Pinay senior citizens, nawawala matapos ang misteryosong layover sa China

-Nangangamba ang pamilya ng tatlong senior citizens na nawawala matapos ang bakasyon ng mga ito sa US

-Nakatakda na sanang bumalik ang tatlo sa Pinas noong August 10 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa malinaw kung nasaan ang mga ito

-Nakakuha rin ng impormasyon ang mga kaanak ng mga ito na hindi sigurado kung nakasakay nga ang mga ito sa flight pauwi sa Pinas mula sa China kung saan sila nag-layover

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pa malinaw hanggang sa ngayon kung ano ang nangyari sa tatlong retired teachers na nawawala matapos ang limang buwang bakasyon sa Amerika.

Ayon sa mga ulat ng lumabas sa GMA News at ABS-CBN News, nakatakda sanang bumalik ang tatlo sa Maynila noong August 10.

Kinilala ang mga ito na sina Pacita de Guzman, 77, Erlinda Varela Guce, 72, and Josefina Varela Baysic, 70.

Lumabas din na mula sa New York ay sumakay ang mga ito sa China Eastern Airlines flight MU211 at magta-tranasfer sa isang connecting flight sa Pudong International Airport sa Shanghai pauwi sa Pilipinas.

Ngunit noong August 10, nakatanggap daw ng isang mensahe mula kay Linda Guce gamit ang Viber account ng isang Pinoy na kapwa pasahero ng mga ito na kinilala lamang sa pangalang "Alzor", na nakansela ang kanilang flight dahil sa bagyong tumama sa China, ayon sa isang kaanak.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ngunit August 12 nang tawagan daw ng mga kaanak si Alzor, sinabi nito na hindi na nito kasama ang tatlong senior citizen at hindi rin daw nito alam kung saang hotel sila na-booked.

"Ang sabi ni Alzor, verbatim, 'Nauna kasi akong umalis para ihatid sa hotel at naiwan pa sila so hindi ko alam kung saang hotel sila,'" ayon sa kaanak ng tatlo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bigo rin ang pamilya ng tatlo na makakuha ng impormasyon sa opisina ng China Eastern Airlines sa Makati.

Ika-15 ng Agosto nang tumawag naman ang mga ito sa Philippine Consulate sa Shanghai at ayon daw sa mga ito ay hinahanap na ang tatlo.

"Ang huling information na nakuha namin is, nare-route yung flight nila from Shanghai, nilapag sila sa Wuhan, China. Sabi ni Alzor, nakita pa raw niya yung tatlong sisters doon sa Wuhan tapos bumalik ulit sila sa Shanghai," ayon sa isang kaanak.

Nito lamang Sabado, pumunta ang isa sa mga kaanak ng tatlo sa China Eastern Airlines sa Shanghai kung saan nito napag-alaman na ang flight MU211 ay hindi pala nag-landing sa Shanghai airport.

At sa halip ay sa Wuhan Tianhe International Airport sa Hubei, China.

Ayon pa sa opisina, nag-book pa umano ang tatlong senior citizen ng flight papuntang Hubei mula sa Shanghai ngunit hindi naman sigurado kung nakasakay nga ang mga ito sa sinasabing flight.

Hirap rin daw ang mga ito na ma-contact ang mga senior citizens mula sa mga telepono ng mga ito lalo pa at mahigpit ang China sa social media.

Umaasa ang pamilya ng tatlong nawawalang retired teachers na makakakuha sila ng mga impormasyon kung nasaan ang mga ito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel