Nigerian na walang pamasahe at pangkain, tinulungan ng mga pulis

Nigerian na walang pamasahe at pangkain, tinulungan ng mga pulis

- Viral ang larawan ng mga pulis na tumulong sa isang Nigerian

- Di lamang kasi nila ito binigyan ng pamasahe, pinakain pa nila ito

- Labis na natuwa ang mga netizens sa ginawa na ito ng mga pulis at sana raw ay pamarisan pa ito ng nakakarami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakakataba ng pusong tingnan ang ginawang pagtulong ng mga pulis sa isang Nigerian.

Viral ang mga larawan nilang binahagi ng Hanep TV na kuha sa karinderya kung saan pinakain ng mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint ang isang NIgerian national.

Ayon kasi sa foreigner, papunta siya sa United Church of Christ sa Quezon City at naubusan na siya ng pamasahe.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Bukod pa rito, napansin ng mga pulis na pagod na pagod na ang lalaki at marahil gutom na rin ito bilang wala na siyang pera pangkain.

Pinakain nila ito at nag-ambagan ang mga pulis para may mai-abot na pamasahe at makarating na sa paroroonan ang Nigerian.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Humanga ang mga netizens sa ginawa na ito ng dalawang pulis. Katunayan, umabot na sa mahigit na 123,000 na positibong reaksyon ang post.

Nasa 11,000 naman na mga komento ang inani ng post na ito na puro papuri sa kabutihang pinakita ng mga pulis.

Sana rin daw ay mabigyan ang mga ito ng pagkilala dahil di lamang sila tumupad sa kanilang tungkulin, nagsilbing magandang ehemplo pa sila sa kapwa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel