Pakistani at Pinay na inireklamo nito ng panghuhuthot, nagharap na

Pakistani at Pinay na inireklamo nito ng panghuhuthot, nagharap na

-Hindi nagpatalo ang bawat isa sa kani-kanilang reklamo ang Pakistani at ang ex nitong Pilipina

-Mariing itinanggi ng Pinay ang akusasyon laban sa kanya ng dayuhan at hindi rin daw nito ibibigay ang halagang binabawi ng ex

-Mas naging malalim pa ang kanilang mga akusasyon sa bawat isa lalo pa at may mga ebidensiyang ipinakita ang babae laban sa Pakistani

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pa rin nagkasundo ang dating magkasintahan na sina Muhammad Arslan Athar, isang Pakistani at ang ex-girlfriend nitong Pinay na si Rose Corazon Mataac.

Matapos ang mainit na pagtatalo ng dalawa sa telepono sa programang Wanted sa Radyo ay personal nang nagkaharap ang mga ito sa tulong ng programa.

Una nang naiulat ng KAMI ang reklamo ni Muhammad na panghuhuthot ni Rose na umabot sa P3.5 million at 'di nito pagtupad sa pangakong kasal na kanilang napagkasunduan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ayon sa babae, hindi niya pinaasa ng kasal at hindi rin niya hinuthutan ang Pakistani.

Boluntaryo raw na ibinigay ni Muhammad ang mga ito dahil sila ay magkarelasyon.

Ngunit ayon naman sa dayuhan, nagbigay siya dahil sa pag-asang ikakasal sila ng dating nobya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang nais lamang daw nitong mabawi ay ang mga ginastos nito sa annulment ni Rose at ang mga damages dahil sa pagpapabalik-balik niya sa Pilipinas.

Ngunit tumanggi si Rose na ibigay ang perang hinihingi ni Muhammad at sa halip ay ikokonsulta muna ito sa kanyang abogado.

Binalikan din ng Pinay ang Pakistani at sinabing nakipaghiwalay siya dito dahil sa diumano'y pananakit nito.

Itinanggi ni Muhammad ang akusasyon nito at sinabing hindi raw ito madaling gawin sa Dubai.

Bagamat nagpakita ng ilang larawan si Rose ay mahina pa rin daw itong ebidensiya lalo pa at walang legal na reklamong naisampa at itinatanggi ito ni Muhammad.

Hanggang sa huli ay hindi pa rin nagkasundo ang dalawa at pinag-usap muli ni Tulfo off air. Ngunit mukhang mas lalalim pa ang akusasyon ng bawat isa.

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa namang Canadian ang inireklamo rin ng pangloloko ang isang Pinay na dati nitong nakarelasyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel