Tulfo, uminit ang ulo sa Pinay na inireklamo ng Canadian ng panloloko

Tulfo, uminit ang ulo sa Pinay na inireklamo ng Canadian ng panloloko

-Nais na mabawi ng isang Canadian ang mga naipundar na pag-aari mula sa kanyang dating nobya na isang Pilipina

-Ayon sa reklamo ng dayuhan, niloko lamang siya ng dalagang pinagkatiwalaan niya kasabwat ang ilang miyembro ng pamilya nito

-Hindi rin ito pinalagpas ni Tulfo at talagang prinangka na ang dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Idinulog ng Canadian na si William Top ang reklamo nito laban sa isang Pilipina sa programang Wanted sa Radyo.

Ayon sa reklamo ni Top, niloko lamang siya ng dating nobya na si Raven Lauron na nakilala niya online noong 2017.

At base sa mga impormasyon na umabot sa dayuhan mula sa mga pinsan at kaibigan nito winaldas lamang ng dalaga ang mga perang mula sa kanya sa mga gimik at bakasyon.

Kwento pa nito, noong nakaraang taon ito pumunta sa Pilipinas at binigyan ng pera ang dalaga para bumili ng bahay at lupa.

Bukod dito ay bumili rin ito ng scooter na ayon daw sa pangako ni Lauron ay para sa kanilang dalawa.

Ngunit napag-alaman ni Top na naibenta na ito ni Lauron ayon sa isang kaibigan ng dalaga.

Bumili rin daw ng lupa ang Canadian sa tiyuhin ni Lauron ngunit ayon dito ay kulang.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagpakita ito ng mga dokumento kay Raffy Tulfo na magpapatunay ng kanyang mga transakyon sa tiyuhin nito.

Hindi rin matanggap ng dayuhan ang mga posts sa social media ni Lauron gamit ang lenggwahe sa Visaya.

Hindi na nakatanggi pa ang inirereklamong dalaga lalo pa at may ipinakitang pagbabanta mula dito at sa pamilya nito para sa dayuhan.

Ngunit handa naman daw isauli ng dalaga ang bahay at lupa na sinasabi ni Top na nasa pangalan ng mga ito ngunit itinanggi na nito ang transakyon ng ex-BF sa tiyuhin nito.

Hindi naman nakapagpigil si Tulfo at prinangka na ang dalaga kaugnay ng umano'y pangloloko nito sa isang dayuhan.

Nangako naman si idol na tutulungan si Top upang mabawi ang mga ari-arian nito mula sa dating nobya.

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa ding Pinay ang inirereklamo ng isang Pakistani dahil sa umano'y panghuhuthot nito na umabot sa P3.5M.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel