Part 2! Reklamo ng isang ginang, pinagdudahan ni idol at mga netizens

Part 2! Reklamo ng isang ginang, pinagdudahan ni idol at mga netizens

- Nagmatigas ang isang ginang sa kanyang reklamo laban sa isa pang complainant sa programa ni Raffy Tulfo

- Ngunit para kay idol Raffy, mababaw lamang ang reklamo ng ginang laban sa pinagdadaanan ng inirereklamo nito

- Maging ang mga netizens ay hindi rin nagpapigil sa kanilang mga ibinigay na opinyon sa kaso ng ginang na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos na makapag-usap on air sa programang Wanted sa Radyo ang ginang na si Marie Pablo at ang inirereklamo nitong si Irene Jean Mendoza na isa ring complainant sa programa ay sinubukan pang ayusin ito ni Raffy Tulfo.

Ngunit nagmatigas si Pablo na tutuluyan nitong kasuhan si Mendoza dahil sa diumano'y pambabastos nito sa kanya na nagyari noong Pebrero.

Para naman kay Mendoza, kwestyonable ang timing ng reklamo ng ginang laban sa kanya lalo pa nga at kasalukuyan siyang may pinagdadaanang problema laban sa dating nobyo at plastic surgeon na si Dr. Khaimar Jumdain.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sinubukan pa silang aregluhin ni idol Raffy nang sa ganun ay magkaisa na lamang ang mga laban sa doktor.

Humingi na rin ng tawad si Mendoza kay Pablo sa kanyang mga nasabi dito na ayon pa dito ay kay Jumdain naman nanggaling.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ganunpaman, tuloy pa rin daw ang kaso ni Pablo laban kay Mendoza.

Para naman kay Tulfo, mababaw lamang ang reklamo ng ginang kumpara sa pinagdadaanan ni Mendoza na kasalukuyang nasa pangangalaga ng programa.

Wala pa naman daw kasing naikakalat na larawan nito sa internet na ayon dito ay banta ni Mendoza sa kanya.

Maging ang mga netziens ay hindi rin nagpapigil sa kanilang mga saloobin kaugnay ng reklamo ni Pablo.

Isang komento mula sa netizen ang ipinahayag ni Tulfo kay Pablo na nagtatanong kung nabayaran ba ito ni Dr. Jumdain.

Mariin naman itong itinanggi ng ginang at sinabing hindi pa niya nakikita ng personal ang doktor.

Samantala, una nang naiulat ng KAMI ang ugat ng reklamo ni Pablo laban kay Mendoza.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel