Bride, mga ka-bandang lalaki ang kinuha niyang "bridesmen"

Bride, mga ka-bandang lalaki ang kinuha niyang "bridesmen"

- Imbis na bridesmaids, bridesmen ang kinuha ng Pinay bride na ito

- Mga dati niya itong ka-banda at malalapit talagang mga kaibigan

- Sila ang bandang naging finalist ng Pilipinas Got Talent 2 noong 2011

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ang bridal entourage na ito kung saan sa halip na bridesmaids ay bridesmen ang mga abay.

Binahagi ang kwento na ito ng Cosmo.ph sa panulat ni cheekie Albay.

Kapansin-pansin kasi na mga lalaki ang mga naka-silky robes imbis na mga bridesmaids.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ayon sa bride na si Myx Ledesma Bandong, sadyang malaki ang bahagi ng mga kabanda niya sa kanyang buhay ay marami silang mga pinagdaanan.

Wala siyang nakikitang ibang bubuo ng kanyang entourage kundi ang mga miyembro ng kanilang bandang Skeights na malalapit sa puso niya.

Sila ang bandang tubong Davao na naging finalist ng Pilipinas Got Talent 2.

Wala pa raw naman nangangahas na gumawa nito at wala naman daw masama kung ito ay kanilang subukan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Aminado rin si Myx na hindi siya talaga "girly" kaya naman mas naging malapit talaga siya sa mga kaibigang lalaki.

Ang kapatid naman ni Myx ang kanyang Maid of Honor.

Suportado naman ng mga dati niyang ka-banda ang bride at di nagdalawang isip na pumayag maging bridesmen sa kasal ng kanilang keyboardista.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel