Claudine Barretto, binanatan ang isang basher na tinawag niyang "ghost writer"

Claudine Barretto, binanatan ang isang basher na tinawag niyang "ghost writer"

- Inalmahan ni Claudine Barretto ang isang Instagram user na nag-iwan ng negatibong komento sa isa sa kanyang post

- Inakusahan nito ang aktres na dahilan diumano kung bakit nagkakagulo silang magkakapatid

- Binuweltahan ito ng aktres at pwede daw itong maging ghost writer sa galing nito gumawa ng kwento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na napigilang bumuwelta ni Claudine Barretto sa isang Instagram user na inakusahan siya bilang dahilan ng pag-aaway nilang magkakapatid at nagmamanipula diumano sa kanilang mga magulang.

Sa isang post kung saan pinasalamatan ni Claudine ang kanyang Kuya JJ Barretto sa pag-aalaga nito sa kanya, isang netizen na may handle na @orangegirl93 ang nag-akusa sa kanya ng masasakit na bintang.

Magpakatino ka na kasi ayusin mo buhay mo pamilya mo ikaw ang dahilan kaya nag aaway away mga kapatid mo pati mga parents mo mina manipulate mo
Claudine Barretto, binanatan ang isang basher na tinawag niyang "ghost writer"

Claudine Barretto, binanatan ang isang basher na tinawag niyang "ghost writer"
Source: Instagram

Inalmahan naman ito ng mga fans ng aktres at pinagtanggol si Claudine.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi naman nagpatinag ang aktres at bumuwelta ng isang matindi at makahulugang banat.

@orangegirl93 talaga? Ako? Galing mo naman pwede kang script writer.ay GHOST WRITER PALA! Get a life at wag yung may asawa ok?”
Claudine Barretto, binanatan ang isang basher na tinawag niyang "ghost writer"

Claudine Barretto, binanatan ang isang basher na tinawag niyang "ghost writer"
Source: Instagram

Hindi man nagbanggit ng pangalan, tila may tinutukoy ang aktres lalo na at naging kontrobersiyal kamakailan ang salitang ghost writer.

Matatandaang naging palaisipan sa mga netizens ang nakasulat sa bio ni Marjorie Barretto na ghost writer sa Instagram. Bago pa ito mangyari ay nauna nang nagpahiwatig si Gretchen Barretto ng suporta kay Bea Alonzo.

Matatandaang noong Aug. 6, sa mahabang Instagram post ay nagpakawala ng maaanghang na salita si Julia laban kay Bea na inakusahan niya ng bullying.

Banat naman ni Gretchen, nag-hire pa sila ng ghost writer, "The fact that they hired a ghost writer for this post is hilarious and makes her sound desperate to salvage whatever is left."

Gumanti din si Gretchen at pinalitan ang kanyang Instagram bio ng “GHOST BUSTER" matapos naging usap-usapan ang "Ghost writer" IG bio ni Marjorie.

Gayunpaman, ayon kay Marjorie, may tao diumanong sumubok na i-hack ang kanyang Instagram account.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Si Claudine Barretto ay nagsimulang makilala nang mapabilang siya sa "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, napabilang siya sa palabas na pinagbibidahan ng comedy king na si Dolphy Quizon na "Home Along Da Riles."

Kabilang sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.

POPULAR: Read more about Claudine Barretto here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When You Try To Recall The Patriotic Oath But Life Is Hard | HumanMeter

Searching for proudly Filipinos ready to recite the Patriotic Oath. Can they remember the full text? Check out Human Meter's newest video. Click the play button and recite along to check if you can still recall the "Panatang Makabayan."

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel