Di umano'y modus ng nagpapanggap na aplikante sa call center, isiniwalat ng biktima

Di umano'y modus ng nagpapanggap na aplikante sa call center, isiniwalat ng biktima

- Binahagi ng isang netizen ang sinsasabing modus ng pagkuha ng kanyang cellphone ng taong kakikilala lamang niya

- Tila na-budol daw ito at basta na lamang niyang napahiram ang kanyang cellphone

- Magsilbing babala raw ito lalo na sa mga aplikante sa mga call center dahil tila ito raw ang style ng nambibiktimang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang post ng netizen na basta na lamang nakuhanan ng cellphone ng kakikilala lamang niyang tao.

Buong tapang na isiniwalat ni Eunice Ann Gamboa ang kanyang karanasan nang minsan siyang mag-apply sa isang call center sa Ortigas. Nakasakay niya ang beki na ito na kinaibigan agad siya at nagsabing isa rin siyang aplikante.

Dahil sa ma-chika at nakuha agad ng beki na may Facebook name na Kaira Xianne Garcia ang loob ni Eunice, nahiram agad nito ang cellphone ng kanyang biktima.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Inabot sila ng 9:30 ng gabi at magkasama pa rin sila kung saan sila nag-a-apply ngunit pinigilan pa raw siya nito at sinabing may-imi-meet pa silang kaibigan niya.

Maya-maya, nagpaalam na lang daw itong si Kaira na may kukunin sa front desk.

Di na muli itong bumalik dala ang cellphone ni Eunice.

At dito na rin nagsimula ang problema. Pina-ikot ikot lamang ni Kaira si Eunice hanggang sa di na naisauli ang cellphone nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Bagaman at nakausap naman niya ito sa Messenger kung saan sinabi pa nitong kinabukasan na sila magkita ngunit wala pa ring kalinawan ang pagsasauli ng itinakbong gamit.

Dahil dito, di na raw nagdalawang isip si Eunice na ibahagi ito para maging babala na rin sa iba na maaring maging biktima pa ni Kaira.

Ang masaklap pa kasi sa nangyari, binaliktad pa raw ni Kaira ang pangyayari at pinalabas na si Eunice ang nagnakaw sa kanya.

Magsilbing aral ito sa atin na huwag basta magtiwala agad sa bagong kakilala. Kung nais nitong humiram ng gamit lalo na ang cellphone, siguraduhing kunin ito agad upang makaiwas sa anumang gulo.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel