Sanggol na ang ina ay pumanaw dahil sa dengue, dinagsa ng tulong

Sanggol na ang ina ay pumanaw dahil sa dengue, dinagsa ng tulong

- Nanawagan ang mga kaibigan ng ina ni baby Lexi upang makalikom pa rin sila ng breast milk para sa sanggol

- Namatay kasi ang ina ni baby Lexi dahil sa dengue

- Dinagsa ng tulong ang sanggol na ngayon ay nasa pangangalaga na ng kanyang lolo at lola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ng nagmalasakit sa isang buwang gulang na sanggol na si baby Lexi matapos itong maulila sa ina na pumanaw sa dengue.

Ayon sa ABS-CBN news, isa sa mga kaibigan ng nanay ni baby Lexi na si John David Borre ang nanawagan gamit ang kanyang Facebook upang makapangalap ng tulong ang sanggol partikular na ang paghingi ng breast milk.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sa loob ng dalawang araw, mabilis na lumala ang dengue ni Christine Ang, ina ni baby Lexi.

Kung saan-saang ospital pa raw ito dinala hanggang sa tanggapin ito sa Chinese General Hospital.

Pilit na lumalalaban pa raw ito ngunit sadyang ang katawan na niya ang bumibigay. Pumanaw si Christine noong Agosto 5 sa edad na 22.

Samantala, marami sa kanyang mga kaibigan ang nagmalasakit sa naulila niyang mag-ama lalo na kay baby Lexi.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di inaasahan ni John David na marami ang tutugon sa kanyang panawagan at marami pa rin ang nakikipag-ugnayan sa kanila upang mapadalhan ng breast milk ang ulilang sanggol.

Lubos na nagpapasalamat ang pamilya at mga kaibigan ng pamilya ni baby Lexi na bagaman at nawalan ng ina, maraming mga nanay ang nagmalasakit na matulungan siyang maging malusog sa pagpapadala ng mga ito ng gatas nila.

Nasa pangangalaga na ngayon si baby Lexi ng kanyang mga lolo at lola sa Dasmariñas, Cavite.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel