"Sundo" sa karagatan, pinaniniwalaan ng ilan na lumitaw sa 1 viral photo

"Sundo" sa karagatan, pinaniniwalaan ng ilan na lumitaw sa 1 viral photo

- Sundo ni Kamatayan o witawit ang pinaniniwalaang nakita sa isang viral photo bago umano lumubog ang tatlong barko sa Iloilo kamakailan lang

- Ito rin ang paniniwala ng isang psychic at inilarawan pa kung ano ang itsura ng isang witawit

- Maging ang isang eksperto ay sinabing hindi edited ang kumalat na larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Isang kababalaghan ang bumabalot ngayon sa trahedyang nangyari kamakailan sa Iloilo kung saan tatlong bagka ang lumubog at mahigit 30 ang nasawi.

Isang itim na imahe kasi ang napansin ng marami sa isang viral post bago umano lumubog ang mga bangka.

Sabi ng kumuha ng larawan na noo'y nasa Guimaras, ang imaheng itim na ito ay naroon na bago lumubog ang mga bangka.

At ayon sa ilang mamamayan doon, ito raw ang tinatawag na "witawit" o sundo ng kamatayan sa karagatan.

Sa programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS), nagkaroon ng pagkakataon na maipakita ito sa isang psychic.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

At ayon dito, ito nga ay isang witawit!

"Ito ay mga elemento sa ilalim ng dagat. Nangunguha ang mga ito ng tao sa dalampasigan." anito.

"Kung dito sa lupa meron tayong tinatawag na si Kamatayan, sa dagat merong witawit." dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Sabi pa ng psychic, ang itsura raw ng isang witawit ay parang uod na kasing laki ng isang jeep at meron itong parang sungay na ginagamit nito sa paglangoy.

Ayon pa dito, kada apat hanggang limang taon ay lumalabas ang witawit para manguha ng nga biktima.

At base sa pag-iimbestiga ng programa, isang bangka ang lumubog noong taong 2015 sa karagatan ng Iloilo at kumitil sa pitong buhay.

Isinangguni rin ng programa sa isang eksperto ang larawan at ayon dito ay hindi ito edited at kung ano man ang bagay na ito ay naroon ito noong kuhanan ng larawan.

Ngunit anito, hindi ito dapat na katakutan. Posible rin daw na magawa ang mga ito.

Pinabulaanan rin ng mga awtoridad ang sinasabing misteryo. Ayon kay CDRE. Allan Victor Dela Vega, lumabas sa kanilang imbestigasyon na nagkaroon ng squall o "pugada" na ang ibig sabihin ay biglang hangin noong maganap ang trahedya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone