Batang umiiyak dahil wala ang ina para sa mother's day event, nakatanggap ng surpresa

Batang umiiyak dahil wala ang ina para sa mother's day event, nakatanggap ng surpresa

- Umantig sa puso ng mga netizens ang larawan ng batang lalaking umiiyak sa may labas ng paaralan

- Wala raw ang ina nito para sa mother's day activity ng bata sa paaralan

- Ngunit na-surpresa ang bata bago pa man matapos ang kaganapan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang nakakadurog ng pusong video ng isang batang lalaki na umiiyak sa labas ng paaralan.

Ayon sa Buzzooks, kuha raw ito sa Rumpa School sa Sakhon, Thailand.

Sa bansang ito, pinagdiriwang ang Mother's day tuwing Agosto 12.

Kaya naman mayroong ganap sa paaralan kung saan, kasama ng mga bata ang kanilang mga ina.

Ngunit bakas sa mukha ng batang ito ang kalungkutan dahil napaiyak na lamang ito at wala siyang kasamang ina.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Dahil dito, labis na naantig ang netizens sa kalagayan ng bata at ang ilan pa nga ay nagsabing sana di na lamang ito pinapasok kung wala namang inang makakasama.

Ang karamihan pa nga ay nagduda na baka naman sumakabilang buhay na ang ina kaya walang dumalo sa okasyon na ito sa paaralan.

Ngunit, upang mabigyang linaw na rin daw ang mga kaganapan ng araw na iyon, binahagi ng orihinal na nagpost ng video na si Artoo Dia ang surpresang natanggap ng bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Late lamang pala ang ina dahil sa hinanda pa raw nito ang paninda niya sa palengke.

Masayang-masaya ang bata dahil nakapasok na silang mag-ina at na-enjoy na ang mga kaganapan nang araw na iyon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel