Erwin Tulfo, nilahad ang totoong lagay ng lolang sinaktan daw ng anak

Erwin Tulfo, nilahad ang totoong lagay ng lolang sinaktan daw ng anak

- Nag-viral ang post tungkol sa lola na sinasaktan daw ng kanyang anak

- Dahil sa marami ang nagngitngit sa inis dahil sa inakala nilang sinapit ng lola sa anak, nagmalasakit si Erwin Tulfo na alamin ang kalagayan ni lola

- Sa programa nitong Tutok Tulfo Reload, nalaman ang totoong pangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos mag-trending ang post ng estudyanteng si Gracielle Ann Antipolo tungkol sa lola na kanilang tinulungan dahil sinasaktan di umano siya ng kanyang anak, nagmalasakit ang Tulfo Brothers na alamin ang tunay na nangyari.

Nito lamang Martes, Agosto 13, mabilis na nag-viral ang post ng mga larawan ni lola "Puring" na may benda ang ulo at bahid ng dugo sa kanyang damit.

Kwento ng matanda, humihingi lamang daw siya ng kape nang pinagdabugan daw siya ng kanyang sariling anak.

Takot na takot daw ang matanda na umuwi sa kanila dahil baka saktan daw siya muli ng anak.

Dahil sa mga detalyeng ito, di maiiwasang marami ang manggalaiti sa galit sa anak ng matanda dahil daw sa mga ginagawa ng mga ito sa kanilang ina.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Mabilis na nakarating sa Tulfo Brothers ang kaso na ito ni lola Puring kaya naman agad nilang pinakilos ang mga tauhan ng programang Tutok Tulfo Reload upang alamin ang kalagayan ng matanda.

Doon napag-alamang ulyanin na pala ito at iba-iba na ang mga sinasabi.

Ang sugat na nakita sa mga larawang binahagi ng estudyanteng tumulong sa kanya ay di dahil sa pananakit ng kanyang anak.

Nakapanayam mismo ni Erwin Tulfo ang anak ng lola na si Lady Rudyrita Quiles. Doon nilahad niyang walang katotohanan ang mga kinuwento ng lola sa estudyante.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil nga meron na itong dementia o pagka-ulyanin, iba-iba na ang sinasabi nito kahit di naman ito ang totoong nangyayari sa kanya.

Maayos ang lagay ng lola ngunit natatakasan nito ang anak na siyang nag-aalaga sa kanya at saan-saan na ito nakakarating.

Dahil dito, nagmalasakit na rin si Erwin Tulfo na ilagay na lamang daw sa isang retirement home ang lola kung saan di ito basta-basta makakaalis.

Ito ay para na rin sa kaligtasan ng matanda na madalas na pala talagang nadidisgrasya pag nakakatakas sa anak.

Payo rin ni Tulfo sa mga netizens, huwag basta mag-post nang wala pang kasiguraduhan ang pangyayari.

Sadyang naapektuhan din kasi ang pamilya ng lola dahil matinding kasiraan sa kanila ang nai-post ng estudyante.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel