22-anyos na brat, tinulak sa ilog ang brand new BMW na regalo sa kanya ng ama

22-anyos na brat, tinulak sa ilog ang brand new BMW na regalo sa kanya ng ama

- Tinapon na lamang ng isang 22-anyos na lalaki ang bagong BMW na birthday present sa kanya ng kanyang mga magulang

- Ginawa lamang daw ito ng anak dahil Jaguar daw ang hiniling niya sa ama at hindi BMW

- Tila ang ama pa ang humingi ng tawad sa anak na di nila nasunod ang nais nito para sa kanyang kaarawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang napataas ang kilay sa ginawa ng isang 22-anyos na brat na taga Yamunanagar, Haryana state sa northern India.

Nagawa nitong itapon na lamang ang brand new BMW na bigay sa kanya ng kanyang mga magulang para sa kanyang kaarawan.

Ayon sa Yahoo News, hindi raw ito ang hiling ng anak na si Akash sa kanyang ama.

Masyado raw kasing maliit ang BMW na ito para sa kanya at sa kanyang tropang isasakay rito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Hiling talaga ni Akash na magkaroon ng Jaguar kaya naman nadismaya ito nang hindi raw ito nasunod.

Paliwanag ng mga magulang ni Akash, ang BMW ang pasok sa kanilang budget. Inakala rin nilang matutuwa pa rin ang anak sa binigay nilang sasakyan, ngunit sa kasamaang palad, nagawa pa talaga nito itong itapon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang kataka-taka pa raw sa nangyari, ang ama pa ang humingi ng paumanhin sa anak dahil di nila naibigay ang gusto nitong sasakyan.

Sa ulat naman ng CBS This Morning, dahil sa ginawa na ito ni Akash, nagdududa na raw ang kanyang mga magulang na baka wala na raw sa katinuan ang kanilang anak.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel