Nanay, biglang naglaho! Hinihinalang sumama sa BF na nakilala sa FB

Nanay, biglang naglaho! Hinihinalang sumama sa BF na nakilala sa FB

- Hindi matanggap ng isang dalaga ang biglaang pag-alis ng kanilang inang OFW na pinaniniwalaang sumama na sa ibang lalaki

-Base sa kwento nito, dati nang ipinaalam sa kanya ng ina na mayroong lalaki na gustong manligaw dito

-Nanawagan pa ito kasama ang kanyang ama sa ina na bumalik na lamang sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masama ang loob ng mag-amang Amancio at Rhemelyn Mago nang dumulog sa tanggapan ng TV5 upang magpatulong kay Raffy Tulfo.

Nais sana nila na makausap ang kanilang ilaw ng tahanan na pinaniniwalaan nilang umalis para sumama sa lalaking nakilala nito sa Facebook.

Base sa kwento ni Rhemelyn, ipinaalam pa umano ng kanilang 46-anyos na ina sa kanya na mayroong nanliligaw dito.

Hindi nila pinahintulutan ito at nagtiwala pa rin dahil nasa ibang bansa pa naman daw ito nang mga panahong iyon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ngunit kamakailan lamang ay bigla na lang umalis ang ginang at patagong kinuha ang mga gamit nito ayon sa dalawa.

Naniniwala sila na ang 26-anyos na lalaki ang pinuntahan nito at sinamahan.

Ngunit bukod sa kanilang mga kwento ay wala nang maipakitang ebidensiya ang mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi naman matanggap ni Rhemelyn ang ginawa ng kanilang ina.

Ayon naman kay Amancio, gusto niyang mabuo ang kanilang pamilya ngunit hindi na niya ipipilit pa ang sarili sa asawa.

Ngunit wala silang magawa kung 'di ang manawagan na lang sa ginang na bumalik sa kanila.

Marami namang netizens ang hindi natuwa sa reklamong ito at nahabag sa sitwasyon ng naiwang pamilya.

"Nakakahinayang yong mga ganitong OFW na nabigyan ng opportunity makapag abroad pero sinasayang sa lalake."

"iwanan mo na ang asawa mo ...wag lang anak mo."

"Eto nmn walang kwentang Ina tsk...mas pinili lalaki nya haizzt."

"Kauuwi galing abroad taz 40.00 lang binigay mo sa anak mo."

"Kina CANCEL tawag kasi GUILTY....Hay binola lang ng bata un matanda, NANIWALA naman."

Sa isang ulat ng KAMI, isang OFW naman ang may kakaibang gimik na naging daan para mabuking ang kanyang misis!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel