Pakistani na inireklamo ang ex na Pinay ng panghuhuthot, may promise kay idol

Pakistani na inireklamo ang ex na Pinay ng panghuhuthot, may promise kay idol

- Sa kabila ng naging pangit na karanasan ng isang Pakistani sa kanyang dating nobya ay handa pa rin daw itong patawarin ito

- Bukod rito ay nangako pa ito na handa itong tumulong sa programa ni idol sakali man daw na kailangan nila idol ang tulong niya

- Nagpasalamat naman si Tulfo sa kabutihan nito at nangako rin ng tulong para sa dayuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kabila ng pangit na karanasan ng Pakistani na si Muhammad Arslan Athar sa pag-ibig sa isang Pinay, handa pa rin daw itong magpatawad.

Una nang naiulat ng KAMI ang reklamo ni Muhammad laban sa ex-girlfriend nito na si Rose Corazon, matapos makilala at makarelasyon nito sa Dubai.

Nangako ng kasal ang babae sa dayuhan at pagkatapos ay ito pa ang gumastos para rito at sa iba pang pangangailangan nito habang naroon ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ngunit matapos na mapawalang-bisa ang kasal ng Pinay sa dati nitong asawa ay bigla na lang itong umatras sa kasal kay Muhammad.

Depensa naman ng babae, boluntaryong nagbigay si Muhammad sa kanya dahil may relasyon silang dalawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matapos na makapag-usap ang dalawa sa Wanted sa Radyo ay nagpasya ang mga ito na daanin sa legal na paraan ang lahat.

Napag-alaman naman na may mga kasong posibleng isampa laban kay Rose dahil may kasunduan sila ng dayuhan na magpakasal.

Ganunpaman, handa pa rin daw na patawarin ni Muhammad ang babae kung maramdaman nito na sincere ito sa paghingi ng tawad.

Magalang rin nitong tinanggihan ang tulong pinansiyal na alok ni idol, at sinabi pang gamitin na lamang sa mas nangangailangan.

At sa halip ay nangako naman ito ng tulong sa programa ni idol ng kahit na anumang tulong na kaya nitong ibigay.

Nangako naman si Rose na pupunta sa tanggapan ng TV5 para makaharap ang dating nobyo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Batuhan ng 'hugot lines' ng teacher at estudyante, 3 million views na

Batuhan ng 'hugot lines' ng teacher at estudyante, 3 million views na

Batuhan ng 'hugot lines' ng teacher at estudyante, 3 million views na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel