Matigas na mister, lumambot matapos isa-isahin ni idol ang mga kaso laban dito

Matigas na mister, lumambot matapos isa-isahin ni idol ang mga kaso laban dito

- Ayaw na siyang balikan ng kanyang mister kahit na siya ay buntis pa, ayon sa ginang na inireklamo ang mapang-abusong asawa

- Bukod sa pangbababae nito, may mga pagkakataon pa raw na sinasaktan siya ng lalaki

- Si mister naman ay nagmatigas pa noong una ngunit lumambot din matapos isa-isahin ni idol ang mga kasong maaaring isampa laban sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masama ang loob ng ginang na si Marites Bedaña nang idulog ang reklamo laban sa kanyang mister na si Nilo Bedaña.

Nilayasan na raw kasi siya nito at sumama na sa ibang babae kahit pa siya ay nagdadalang-tao na rin.

Nais sana ng ginang na maayos pa ang kanilang pagsasama ngunit tumanggi na si Nilo kahit pa siya raw ay makulong.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Iginiit pa ng lalaki na mayroong ibang lalaki si Marites at nagkaroon ng anak dito na itinanggi ng ginang.

Ganunpaman, dahil wala itong maipakitang ebidensiya ay mas papanigan ng korte ang reklamo ni Marites lalo pa at may buhay na ebidensiya laban kay mister.

Noong una ay nagmatigas pa ang lalaki at sinabing hindi na nito kaya pang makisama kay Marites.

Ngunit base sa mga sumbong ng ginang tulad ng pananakit at pagsasalita ng lalaki ng 'di maganda laban sa kanya ay posibleng maharap sa patong-patong na kaso si Nilo at makulong.

Sa huli ay nagpasya na ito na makipag-ayos na lamang kay Marites.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel