Gimik ni mister, kinagat ni misis kaya nahuli ito sa sariling bibig

Gimik ni mister, kinagat ni misis kaya nahuli ito sa sariling bibig

- Confident ang OFW na inireklamo ng kanyang misis, na lamang siya laban dito dahil si misis na mismo ang nagbuking sa sarili

- Una kasing nagreklamo ang misis nito at sinabing mayroon siyang ibang babae

- Ngunit kinalaunan ay si misis pa ang nadiin lalo na nang mismong si idol Raffy na ang nakahuli rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabaligtad ang isang complainant ng Wanted sa Radyo matapos itong ibuko ng inirereklamong mister na isang OFW.

Ayon sa reklamo ni Maribeth Beniga, kulang ang sustento na ipinapadala ng asawang si Remie Beniga dahil may iba itong babaeng sinusuportahan.

Ngunit nang makausap naman ni Raffy Tulfo si Remie, sinabi nito na gimik lamang niya ang pagkakaroon ng ibang babae upang painan at mapa-amin ang misis.

Sabi pa ni mister, sinadya niyang i-edit ang kanyang larawan na ikinakasal upang aminin ni Maribeth ang panglalalaki nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Depensa naman ng ginang, ibinibintang lamang ng asawa sa kanya ang selfie na nakita nito kung saan makikita siyang nakahiga at may katabing lalaki.

Aniya, tulog daw siya nang mga panahong iyon at nagulat na lamang na mayroon na silang selfie ng lalaki. Sinabi pa umano nito na gagamitin nitong ebidensiya ang larawan sa hindi malamang dahilan.

Hindi naman ito kinagat ni idol Raffy lalo pa nang mismong siya ay gumawa rin ng paraan para mahuli ang ginang na kinagat naman nito.

Dahil dito, napilitan ang ginang na ilihis na lamang ang kaso at sustento na lamang ang hinabol sa asawa.

Bagamat itinanggi pa rin nito ang sinasabing selfie nila ng ibang lalaki sa kanila mismong tahanan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel