Babaeng kamukhang-kamuha raw ni Coco Martin, kinagiliwan ng netizens

Babaeng kamukhang-kamuha raw ni Coco Martin, kinagiliwan ng netizens

- Viral ang larawan ng isang babaeng kamukhang-kamukha raw ng aktor na si Coco Martin

- Mayroon nang 1,000 comments, 8,000 reactions at 34,000 shares ang naturang post na ito

- Sikat pala ang babaeng ito bilang isang online gamer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa kumakalat na larawan ng babaeng kamukhang-kamukha ni Coco Martin.

Binahagi ng Facebook page na Tweetstagram ang mga larawan ng babae na tila kasali sa isang beauty pageant.

Sa unang tingin, aakalain mo talagang ang lead star ng teleseryeng Ang Probinsyano ito na inayusan lamang na pambabae.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Lalo na sa larawan nito kung saan siya ay nakangiti, mapapa-isip ka raw talaga kung si Coco nga ba na nagdamit babae lamang ang nasa larawan.

May caption ito na "Hindi mo kami maloloko Coco Martin."

Tila nauuso kasi ngayon ang mga post na may katulad na caption kung saan pinakikita ang mga larawan ng may mga kamukha artista o sikat na personalidad.

Samantala, ang magandang dilag pala na ito ay si Alexandra Tan na kilala sa online gaming world.

Katunayan, ilan sa mga nagkomento ay mga followers niya sa kanyang social media pages.

"Dito lang ako nanotice ni Alexandra pero sa mga Livestreams niya , hindi ako nashashout out"
"Ml gamer sya then Kadita favorite niya"
"pa-fan sign naman po! dito na lang ako magpapapansin"
"Wow! lalo ka na po sumikat Alexandra!"

Umabot na sa 8,000 reactions, 1000 comments at 34,000 shares ang nakakaaliw na post na ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel