Lalaki, nag-camping sa Jollibee Edmonton para sa pagbubukas nito sa August 16

Lalaki, nag-camping sa Jollibee Edmonton para sa pagbubukas nito sa August 16

- Nag-camping na ang isang lalaki sa labas ng Jollibee Edmonton para maging unang customer nito

- Magbubukas na kasi sa Agosto 16 ang naturang branch at may mga premyo sa mga unang magiging customer

- Namangha naman ang mga Pinoy sa lalaking ito dahil isang foreigner ang nais maunang makakain sa restaurant na may panlasang Pilipino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw pansin ang isang lalaki na nagawang mag-camping sa labas ng Jollibee Edmonton sa Canada.

Binahagi ng Facebook page ng Jollibee Canada ang larawan ng lalaki na siniguro na siya ang magiging kauna-unahang customer ng naturang branch na magbubukas sa Biyernes, Agosto 16.

Ang nakamamangaha pa rito, di Pinoy ang lalaking ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Kaya naman mas nakaka-proud ang ginawa ng niya dahil nangangahulugan lamang na maging ang mga taga ibang bansa ay tumatagkilik sa panlasang Pinoy.

Ganoon na lamang ang suporta ng lalaking ito sa Jollibee na dalawang araw bago ang pagbubukas nito ay nagtyaga na siyang mag-abang at maghintay.

7:00 pa ng umaga sa Biyernes magbubukas ang branch.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, tila sigurado na ang premyo ng lalaking ito sa first opening day dahil ang first 50 customers na may order na halagang $25 ay makatatanggap ng free chicken joy sa buong taon.

Ang unang 50 customers din na may pinaka-creative na #ItsOurTurn sign ay makatatanggap ng Jollibee Funko Pop.

Samantala, ang unang 300 customers na may order na halagang $25 ay makatatanggap ng Jollibee Plush doll.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks up about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Bato dela Rosa changes tune over the case of Antonio Sanchez

Bato dela Rosa changes tune over the case of Antonio Sanchez

Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel