Pinay na inireklamo ng panghuhuthot ng P3.5M, dumipensa pa kay idol

Pinay na inireklamo ng panghuhuthot ng P3.5M, dumipensa pa kay idol

- Mas lumalim pa ang reklamo at bangayan ng isang Pinay at ng dati nitong nobyo na Pakistani sa part 2

- Patuloy naman na nagmatigas ang Pinay at itinanggi ang reklamong panghuhuthot laban sa kanya

- Samantalang ang Pakistani naman ay inaming mahal pa rin ang Pinay ngunit sobrang sakit daw ng ginawa nito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mas tumindi at uminit ang bangayan ng dating magkasintahan na sila Muhammad Arslan Athar, isang Pakistani, laban sa Pinay na si Rose Corazon Mataac.

Matapos na makapag-usap sa programang Aksyon ay itinuloy ng mga ito ang reklamo sa Wanted sa Radyo kung saan sana sila pag-aayusin ni Raffy Tulfo.

Una nang naiulat ng KAMI ang reklamo ni Muhammad laban kay Rose na nanghuthot daw sa kanya ng halagang umabot sa P3.5 million.

Nangako raw ang dating nobya na magpapakasal sila kapag napawalang-bisa na ang kasal nito sa ex-husband nito sa Pinas, na ito pa ang gumastos.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ngunit bigla na lamang umatras si Rose at sinabing nais muna nitong ma-enjoy ang single life nito.

Itinanggi naman ito ni Rose at sinabing ang lahat ng ibinigay nito ay boluntaryo nitong ibinigay sa kanya dahil sila ay may relasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Obsessed lang daw sa kanya ang Pakistani at hindi nito matanggap na hindi na niya ito mahal.

Ikokonsulta muna daw ng Pinay sa abogado ang hinihingi ni Muhammad na P300,000 kapalit ng ginatos nito sa annulment niya.

Iginiit pa nito na kasal na si Muhammad sa ibang babae na ayon naman sa Pakistani ay pinakasalan niya matapos ang matagal na paghihintay kay Rose at para na rin sa may sakit nitong nanay.

Masama rin ang loob nito sa Pinay na inamin naman nito na mahal pa rin niya hanggang ngayon.

Pinayuhan pa ito ni Muhammad na huwag nang gawin pa sa iba ang ginawa sa kanya at sa iba pa umanong lalaki.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bato dela Rosa changes tune over the case of Antonio Sanchez

Bato dela Rosa changes tune over the case of Antonio Sanchez

Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel