54-anyos na Pinay sa Italy, patay nang mahulog habang naglilinis ng bintana

54-anyos na Pinay sa Italy, patay nang mahulog habang naglilinis ng bintana

- Hindi na nakaligtas pa ang isang Pilipina sa Italy matapos itong mahulog mula sa ikaapat na palapag ng isang gusali doon

- Ayon sa mga lumabas na report, nawalan ng balanse ang 54-anyos na Pinay habang naglilinis ng bintana

- Posible namang maharap sa kaso ang mga amo nito na nasa Greece nang mangyari ang insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na nakaligtas pa sa kamatayan ang isang Pilipina sa Italy matapos itong mahulog ng 30 metro mula sa ikaapat na palapag ng isang gusali sa Milan.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, nawalan ng balanse ang biktima habang naglilinis ng bintana kaya ito nahulog.

Agad namang rumisponde ang mga pulis at ambulansiya sa insidente na nangyari nitong Martes ng umaga.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Base sa mga ulat, mag-isa lamang ito sa bahay dahil ang mga amo nito ay kasalukuyang nasa Greece nang mangyari ang kalunos-lunos na trahedya.

Sasailalim naman sa imbestigasyon ang mga amo ng Pinay na posibleng maharap sa kaso.

Ayon pa sa ulat, sa Italy kung saan karamihan ng mga Pinoy ay domestic helper, kasali ang paglilinis ng bintana sa mga bahay at establisyemento na walang kaukulang protective gear.

Hindi pa inilabas ang pagkakakilanlan ng Pinay na napag-alaman ng KAMI na 54 taong gulang na.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel