OFW, emosyonal na humihingi ng tulong para makauwi na at makita ang pumanaw na anak

OFW, emosyonal na humihingi ng tulong para makauwi na at makita ang pumanaw na anak

- Emosyonal na humingi ng tulong ang isang OFW na namatayan ng anak

- Dahil sa di na niya tatapusin ang kanyang kontrata, papayagan naman siyang makauwi ngunit siya ang bahala sa kanyang pamasahe

- Kaya naman nanawagan na siya sa may mga mabubuting kalooban na nais tumulong sa kanyang makauwi para makita niya ang kanyang baby sa huling sandali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humihingi ng tulong ang OFW na si Ligaya Saway Cono na tubong Bukidnon sa sinuman ang may malasakit at may ginintuang puso na siya ay makauwi na ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Sa video na binahagi ng Kaagapay Bong, emosyonal na sinalaysay ni Ligaya na kailangan na niyang umuwi ng Pilipinas dahil pumanaw na ang kanyang dalawang taong gulang na anak.

Napasakit nito para sa kanya dahil dalawang buwan pa lamang ang nakakalipas nang iwan niya ang anak niyang noo'y masigla pa.

Ngunit aminado naman si Ligaya na napansin niyang sakitin ang anak. Kapag nagkakasipon daw ito, para na rin itong hinihika.

Pinatitingnan naman nila agad ang bata pag nagkakasakit ngunit sa kasamaang palad, di nakita agad ng doktor na may komplikasyon na pala ito sa puso.

Ito ang nakita ng dahilan ng pagkamatay ng bata nito lamang Agosto 9.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Di na tatapusin pa ni Ligaya ang kontrata niya roon kaya naman kinansela na lamang ito ng ahensya at dalawang buwan pa lamang ang nilalagi niya roon.

Dahil dito, siya na rin daw ang sasagot sa kanyang pamasahe na siyang pino-problema niya ngayon.

Kaya naman sana ay matulungan at makalikom na ng pera pauwi si Ligaya upang makita naman niya ang kanyang anak bago ito ihatid sa huling hantungan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Bato dela Rosa changes tune over the case of Antonio Sanchez

Bato dela Rosa changes tune over the case of Antonio Sanchez

Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel