Pananakit at pagmumura ng isang galit na babae sa mga pulis, sapul sa video

Pananakit at pagmumura ng isang galit na babae sa mga pulis, sapul sa video

- Galit na galit ang isang babae sa mga pulis at nakuhanan ito ng video ng isang netizen

- Huli rin sa video ang pananampal at pagmumura ng babae sa mga awtoridad

- Ayon sa babae, tinakot umano siya ng isa sa mga pulis ngunit hindi ito nakuhanan ng video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Galit na galit at nagsisisigaw ang isang babae sa isang viral video sa social media habang pilit na pinipigilan ng babaeng kasama nito.

Samantala, dalawang unipormadong pulis naman ang kaharap ng mga ito sa isang pampublikong lugar.

Hindi naman malinaw ang naging ugat ng alitan sa pagitan ng mga ito.

Ayon sa babae, tinakot umano siya ng isa sa mga pulis at sinabing kaya siyang ipakulong nito.

Sapul sa video ang pagmumura, pananakit at pang-iinsulto nito sa mga pulis.

Kaya naman naging dahilan ito upang posasan ang babae at dakpin.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Hanggang sa police mobile ay hindi ito tumigil sa pagsigaw at pagmumura.

Kita rin ang pananakit nito sa pulis na nagmamaneho nito at ang pagbabanta sa pulis na umaawat sa kanya.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi rin nakalusot sa pagmumura ng babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Pati na rin ang 'wang-wang' na gamit ng mga pulis ay hindi rin pinaligtas ng babae.

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Dalhin n lng sa mental hospital."

"Yun may wang wang na diretso sa mandaluyong."

"Hala di ako makapaniwala sa kanya baka Hindi sya normal. May mali."

"Sana merong taser gun ng manahimik."

"Abangan ko sorry nito sa mga susunod na araw."

"Lakas tama akoy nagwawala, nagwawala, nagwawalaaaaaa."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Ano Ang Tagalog 'Quotation Mark'? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel