Lolong inoperahan, di namalayang nasa lalamunan ang kanyang pustiso

Lolong inoperahan, di namalayang nasa lalamunan ang kanyang pustiso

- Isang lolo ang nakalimot sa kanyang pustiso na napunta na pala sa kanyang lalamunan nang siya ay operahan

- Ilang araw pang namalagi ang pustiso sa lalamunan na di inakala ng mga doktor na naroon

- Paalala ng mga doktor na bago sumailalim sa operasyon, siguraduhing tanggal ang pustiso upang maiwasang mangyari ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 72-anyos na lolo sa United Kingdom ang nakalimot magtanggal ng pustiso nang siya ay operahan sa tiyan.

Ayon sa ABS-CBN news, isinugod muli ang lolo na si "Jack" anim na araw matapos ang operasyon nang makaramdam ito ng hirap sa paghinga at di na rin ito makakain.

Dahil sa inakala ng doktor na ito ay dahil sa sakit sa baga, binigyan lamang si Jack ng mouthwash at antibiotics bilang lunas.

Ngunit walang pagbabago sa sitwasyon ng lolo na di na makalunok ng pagkain makalipas ang ilang araw.

Di na rin siya makahinga ng maayos at hirap din siyang kumuha ng pwesto pag natutulog. Mas komportable raw siya kahit paano na matulog ng nakaupo.

Lolong inoperahan, di namalayang nasa lalamunan ang kanyang pustiso

source: Getty images
Source: Getty Images

Sa isa pa muling pagkakataon na nagpatingin ito sa doktor, inakala namang pneumonia ang sanhi ng mga kakaibang nararamdaman ni Jack.

Ngunit nang isagawa sa kanya ang nasendoscopy kung saan sinusuri ang ilong at lalamunan ng pasyente, laking gulat nila na nasa lalamunan pala nito ang kanyang pustiso.

Dahil dito, natanggal naman ito sa lalamunan ng lolo ngunit dahil sa may katagalan na itong nakabara roon, nagresulta ito ng torn artery.

Kaya naman na-operahan siyang muli at sinalinan ng dugo upang magsara na ang dumugong ugat.

Paalala ng mga doktor, siguraduhing sundin ang mga dapat gawin bago ang operasyon at isa na rito ay ang pagtatanggal ng pustiso.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance

Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance

Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel