Kwelang pananakot ng isang lalaki sa kanyang mga tropa, viral

Kwelang pananakot ng isang lalaki sa kanyang mga tropa, viral

- Bentang-benta sa netizens ang nakakatuwang 'prank' ng isang lalaki sa kanyang mga tropa

- Nag-viral ang kakulitan na ito ng lalaki na sadya nga namang nakakagulat at nakakatakot

- Mahigit 600,000 views na ang video ng kakulitan na ito ng magtotropa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang video na binahagi ng netizen na si Drix Marquez na nagpapakita ng nakakatuwang 'prank' ng isang lalaki sa kanyang tropa.

May caption ang video na "Yung naki sleepover ka sa bahay ng tropa mo."

Sa video, makikita ang magkakaibigang natutulog sa may veranda ng isang bahay.

Sa may bakod nito, tumayo ang isa nilang tropa na puting-puti ang mukha at nakasuot din ng puti at mahabang damit.

Nang biglang magising ang isa mga magkakaibigan, di nitong maiwasang mapasigaw sa galing ng pananakot ng kanilang tropa.

Aakalain mo nga kasi talagang nakalutang sa ere ang lalaki dahil sa lampas sa mga paa nito ang puting damit na kanyang suot.

Sa inis ng mga natakot niyang tropa, pinagbabato nila ang lalaki ng unan.

Lampas 600,000 views na ang nakakatuwang 'prank video' na ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Samantala, tuwang-tuwa ang mga netizens sa kakulitan ng magtotropang ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang kulit nitong mga to, lakas trip!"
"Hahahahahahaha, takot na takot talaga sila e"
"E yung magigising ka nga naman tapos ganun makikita mo, pag di ka ba naman mapapabalikwas sa takot!"
"Ang galing, kala mo talaga nakalutang si kuya e"
"Nice prank! magawa nga to sa mga tropa kong sobrang matatakutin"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel