UP, naungusan ang Harvard at Oxford pagdating sa mga health research citations

UP, naungusan ang Harvard at Oxford pagdating sa mga health research citations

- Nasa top 10 ng 2019 Times Higher Education (THE) World University Rankings ang Unibersidad ng Pilipinas

- Naungusan pa nito ang mga prestihiyosong unibersidad sa mundo tulad ng Harvard University at Oxford University

- Nanguna sa ranking ang Tokyo Metropolitan University na sinundan naman ng Aukland University of Technology sa New Zealand

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sadyang nakaka-proud ang isa na namang tagumpay ng University of the Philippines nang makapasok ito sa top 10 ng 2019 Times Higher Education (THE) World University Rankings pagdating sa health research citations.

Ayon sa ulat ni Kristine Sabillo ng ABS-CBN news, ikapito ang UP na may score na 98.8 sa kanilang citations sa clinical and pre-clinical health researches.

Nanguna naman sa kategoryang ito ang Tokyo Metropolitan University na sinundan naman ng Aukland University of Technology sa New Zealand.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Bagaman at lumabas na ikaanim ang Harvard University sa over-all ranking, ika-37 lamang sila sa health research citations. Nangangahulugang naungusan pa sila ng Unibersidad ng Pilipinas.

Samantala, ika-95 naman ang UP sa Asia University Rankings for 2019 at nasa 501 to 600th para sa World University Rankings.

Paliwanag ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD), binase nila ang citations scores na ito sa frequency ng mga research projects ng mga unibersidad. Binase rin ito sa kinalabasan at naging impluwensya ng mga naturang proyekto.

Kahanga-kahanga talaga ang pinamalas na ito ng UP sa napakalaking pag-angat sa loob ng dalawang taon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel