Misis, nagulantang sa halos 1 milyong pisong halaga ng bill nila sa kuryente

Misis, nagulantang sa halos 1 milyong pisong halaga ng bill nila sa kuryente

- Minsan nang nag-viral ang post ng netizen na nagpapakita ng bill nila sa kuryente na umabot sa halos ₱1 milyon

- Di lubos akalain ng may-ari ng lugar na umabot sa ganoong kalaki ang kanilang bill gayung bahay lamang ito at munting tindahan

- Pina-imbestigahan ang pangyayaring resulta lamang pala ng isang technical error

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di makapaniwala si nanay Conchita Tongol ng Gerona, Tarlac nang dumating ang electric bill nila nitong nakaraang Hulyo na umabot sa halos ₱1 milyon.

Minsan nang nag-viral ang post na ito ng netizen na si Hannah Miranda at muling binahagi ng programang Rated K.

Kwento ni nanay Conchita, laking gulat nila sa dumating na bill sa kanila na ganoon na lamang kalaki ang halaga.

Alam niyang imposibleng mangyari iyon dahil sa bahay at tindahan lamang ito nakakonekta na mayroong mga ordinaryong appliances lamang.

Kadalasan kasi, ₱500 hanggang ₱1,500 lamang ang karaniwang singil sa kanila sa konsumo nila sa kuryente.

Dahil dito, di naiwasang mabagabag ng ginang sa pangyayari na sinangguni naman niya sa Tarlac Electric Cooperative Inc.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Doon nakahinga na ng maluwag si aling Conchita nang sabihing isang technical error ang nangyari.

Ayon kay Francis Owen Dizon, Finance Manager ng Tarelco, nagkaroon ng ganitong problema mula nang mapalitan ng bagong metro sina nanay Conchita.

Kaya naman humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Tarelco at nagpaalala rin na karapatan naman nga mga residente na magtanong at humingi ng paliwanag sakaling mayroon silang inaakalang problema sa bill lalo na kung gaya ito ng nangyari kina nanay Conchita.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel