US at SG nag-alok ng tulong kay Mayor Isko Moreno na gawing "smart city" ang Manila

US at SG nag-alok ng tulong kay Mayor Isko Moreno na gawing "smart city" ang Manila

- US at SG, inalok ng tulong si Mayor Isko Moreno para gawing "smart city" ang Maynila

- Binisita si mayor ng mga opisyal ng US embassy at ni Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho

- At ayon pa sa balita ay nag-alok daw ang dalawang bansa ng tulong sa mayor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

US at SG, nag-alok ng tulong para gawing "smart city" ang Manila nang bumisita ang mga ambassadors ng dalawang bansa sa opisina ni Mayor Isko Moreno, ayon pa sa balita na napag-alaman ng KAMI.

Saad pa sa balita na una naming naispatan sa Manila Bulletin, inalok ng United States at Singapore si Mayor Isko Moreno Domagoso na gawing "smart city" ang Maynila, kamakailan lang, nang magpadala ang dalawang bansa ng mga kinatawan sa kabisera ng Pilipinas.

Ani pa raw ni Singaporean Ambassador to the Philippines Gerard Ho:

“We are ready to share. Ask us if you need any help. We have areas of expertise in traffic management, sewages, but you have to see what works for you because you cannot blindly apply."

Ang pagbisita ng embahador ay nahulog sa bisperas ng ika-54 na Araw ng Singapore.

Patuloy pa ng balita, nag-offer din daw ng fund ang embahador ng "study trip" kung saan maaring matutunan ng alkalde ang tungkol sa mga patakaran at kasanayan sa isang first-world country.

Dagdag na pahayag pa raw ni Ho:

“If you have done something before and it seems to work, and you want to be a good neighbor and friend to your region, isn’t it good to share these things to everyone?”

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Sinabi naman daw ni Mayor Isko Moreno kay Ho na isa sa kanyang mga pangarap para sa Maynila ay tugunan ang problema sa pagbaha sa kabisera.

“We are trying to utilize our creeks because in the modern world these are assets, but here, nobody wants to live there. Our roads are full of water but our creeks are not. There must be something wrong. I need a thorough study, no development yet."

Dugtong pa umano ng alkalde:

“I have a dream to really address flooding in the city… I think in a million light years we will arrive there, but with your help (Singapore) we will get there."

Sa isang banda, bumisita rin ang mga US embassy officials kay mayor noong August 7 para mag-alok din ng tulong para sa flood monitoring at prevention program ng kabisera.

Pagbahagi pa ni Mayor Isko sa naturang pagbisita:

“I was asked what I wanted to prioritize. Sabi ko, ‘Once and for all, please study Manila geographically with regard to flooding problems."

At dagdag pa ng alkalde:

“Magkaroon ng drainage plans, catch basins and everything that will address the problem."

Kamakailan din ay lalong pinabilib ni Mayor Isko Moreno ang publiko sa kanyang speech sa isang graduation.

POPULAR: Read more Philippine News Today here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask Tricky Questions to our fellow kababayans

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance

Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance

Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel