Gerald Anderson, nasasaktan para sa mga taong malapit sa kanya sa gitna ng pambabatikos sa kanya

Gerald Anderson, nasasaktan para sa mga taong malapit sa kanya sa gitna ng pambabatikos sa kanya

- Nakaranas ng matinding pambabatikos si Gerald Anderson

- Ito ay dahil sa isyung kinasangkutan nila ni Julia Barretto at Bea Alonzo

- Inamin ng aktor na apektado siya para sa mga taong malalapit sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos na kanyang kinakaharap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng kontrobersiyang kinasangkutan, naging malaking tulong para kay Gerald Anderson ang pinagdaanang military training dahil kahit papaano ay nakalimutan niya pansamatala ang mga problema.

“Better now! Malaking bagay ‘yung training, malaking bagay na nalagay sa perspective ‘yung mga bagay-bagay,” sagot ni Gerald sa isang panayam ng ABS CBN sa kanya.

Nananatili ang kanyang positibong pananaw sa gitna ng mga pambabatikos na kanyang natatanggap hanggang ngayon.

“Sa dami ng negativity, alangan naman na maging negative pati ako ‘di ba? The only way to fight negativity is to be positive and with positive thinking, positive vibes and doing something positive also. Siyempre madami ng negative energy and when you channel that in a right way, may magagawa kang mabuti. So ang goal ko, to come out a better man, better person,” saad niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Naapektuhan diumano siya para sa mga taong mahal niya na nasasaktan sa kanyang kinakaharap.

“Siyempre, but more than me is ‘yung mga tao sa paligid mo, ‘yung mga mahal ko sa buhay, ang pamilya ko, ‘yun ang mas masakit e. Kasi kung ako lang, okay lang, sanay naman na ako, pero mahirap pati ‘yung pamilya mo,” paglalahad niya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Samantala, kamakailan, umani ng samu't-saring reaksiyon ang litrato ng aktor kasama si Sanya Lopez na mababasa dito.

Aminado naman siyang may natutunan siyang aral sa lahat ng nangyari sa kanya.

Si Gerald Anderson ay isang aktor na Filipino American. Nanalo si Anderson ng una niyang Best Actor award mula sa ika-24 na PMPC Star Awards for Television para sa kanyang pagganap sa Maalaala Mo Kaya kung saan gumanap siya bilang taong may sakit na Tourette Syndrome.

POPULAR: Read more about Gerald Anderson here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: How Is Acid Supposed To Taste? | HumanMeter

Check out Human Meter's Tricky Questions. Do you want to have a good laugh? Check out this clip filmed in the Philippines.There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel