64-anyos na tinderong bumibiyahe ng nasa 100km, nagsisikap para maipagamot ang misis

64-anyos na tinderong bumibiyahe ng nasa 100km, nagsisikap para maipagamot ang misis

- Nag-viral sa Twitter ang larawan ng isang matandang lalaki na malayo ang binabiyahe para lamang magbenta ng tuyo

- Ginagawa niya ito upang makapagbahay-bahay at makabenta ng tuyo na siyang iniipon niya pampapagamot sa kanyang misis na may sakit

- Maging siya ay may karamdaman na rin ngunit di niya magawang uminda dahil siya lamang ang inaasahan ng kanyang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nadurog ang puso sa kwento ng 'dried fish' vendor na si Md Zin Ahmad ng Malaysia.

Binahagi ng isang nagmamalasakit niyang kababayan na may pangalang Aina.wardina sa Twitter ang larawan ni Ahmad na 64-anyos na pala.

May sakit daw ang kanyang misis kaya naman doble kayod ang ginagawa niya sa pagbebenta.

Dumadayo pa siya ng ibang lungsod na nasa 100km para masigurong may mas malaki siyang kikitain sa pagtitinda ng tuyong isda.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Dala na rin ng kanyang edad, may mga nararamdaman na rin siyang sakit. Ngunit dahil sa wala na silang ibang inaasahan ng kanyang misis, di na nagagawang uminda ni Ahmad.

Nag-viral ang mga larawan ni Ahmad na ang pakay din naman talaga ni Aina ng pagbabahagi nito ay upang makalikom ng atensyon at matulungan ang matanda.

Tila di naman nabigo si Aina dahil dinagsa ng iba't-ibang klaseng tulong ang mag-asawa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks up about how his and Marian's lives have changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Bato dela Rosa changes tune over the case of Antonio Sanchez

Bato dela Rosa changes tune over the case of Antonio Sanchez

Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel