Netizen, ibinahagi ang larawan ng lumang pulbos na gawa pa noong unang panahon

Netizen, ibinahagi ang larawan ng lumang pulbos na gawa pa noong unang panahon

- Nag-viral sa social media ang isang larawan na ibinahagi ng netizen

- Nakadiskubre kasi ang netizen ng isang bagay na gawa pa noong unang panahon at hindi na makikita pa sa ngayon

- Umani naman ito ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ng netizen na si Stella Krzn Lim sa Facebook page na Memories of Old Manila ang larawan ng isang pulbos na gawa pa noong unang panahon.

Ayon sa netizen, natuklasan niya ito sa bahay ng kanyang lola.

Sabi pa ng netizen, mas matanda pa sa kanya ang naturang pulbos.

Sa larawan, makikita ang pulbos na nasa lata mula sa isang sikat na brand at kilalang-kilala ng lahat ng mga Pinoy.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

"So nag decide ko mag visit sa bahay ng lola ko tapos nakita ko to, 22 years old nako hindi pa daw ako ginagawa sa mundo nung binili nila to.

"May laman pa at ang bango bango parin. Super smooth sa balat alam mong ibang iba yung pagkaka gawa noon." anito sa FB caption.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Umani naman ito ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens:

"Gumamit din poe ako niyan nung baby pa ako."

"Na abutan ko yan...sa lata pa ang lalagyan."

"Vintage na yan."

"Naka gamit kami nyan. Ang bango nyan."

"Mahal na yan ngayun.. Wag nyu itapon."

"Ha na tago pa nila yan talaga."

"Yan yun original na lalagyan alkansya pag naubos laman."

"True. Iba ang quality ng mga products noon."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: How Is Acid Supposed To Taste? Back in the streets with tricky questions, school program. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel