"Walang sorry sorry," para sa mga anak ng OFW na inuna raw ang kabit nito

"Walang sorry sorry," para sa mga anak ng OFW na inuna raw ang kabit nito

- Hindi na tinanggap pa ng mga anak ng isang OFW ang "sorry" ng kabit nito kahit pa nangako na ito na titigilan na ang bawal na relasyon nito at ng nanay ng mga ito

- Bukod dito, nais na rin nila na makulong ang lalaki at maipa-deport ang kanilang nangaliwang nanay

- Posible rin itong makulong kasama ng kalaguyo nito na inamin na rin ang kasalanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ng mga anak ng OFW na si Cheryl Perea ang kabit ng ginang na si Rey Allen Ponce.

Una nang inireport ng KAMI ang reklamo ni Marianne Perea, isa sa mga anak ng OFW, na sa halip na sa kanila magpadala ay kay Rey Allen daw ito nagpapadala.

Bagamat inamin na rin ng lalaki ang relasyon nito sa ginang ay sinabi naman nito na dahil sa lang sa utang ng OFW sa kanyang kapatid kung kaya ito nagpapadala sa kanya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Ngunit buo na ang pasya ng magkakapatid. Hindi na rin daw kasi maibabalik sa dati ang kanilang relasyon sa ina.

Muntik na rin itong ikapahamak ng kanilang padre de pamilya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi raw nila akalain na magagawa silang lokohin ng kanilang ina para sa isang lalaki.

Napag-alaman pa ng mga ito na tumira na rin ang lalaki sa poder ng mga kaanak ng nanay nila.

Dahil dito, nangako ng tulong si Raffy Tulfo sa magkakapatid.

Masasampahan ng kaso si Rey Allen at maipade-deport rin ang nanay ng mga ito na kasalukuyang nasa Kuwait.

Labis na naawa si Tulfo sa mga ito kaya naman hindi nito nakalimutang abutan ng tulong ang magkakapatid na mula pa sa Zambales.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: How Is Acid Supposed To Taste? Back in the streets with tricky questions, school program. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel