Anak ng magsasaka sa Capiz, wagi ng nasa ₱15 million na halaga ng scholarship sa USA
- Napili ang anak ng magsasaka sa Capiz bilang isa sa 11 na mabibiyayaan ng scholarship Amerika
- 11 lamang ang pinalad ngayong taong ito na mabigyan ng scholarship sa Wesleyan University, USA
- Nagkakahalaga ito ng $300,000 o nasa ₱15 million upang makapasok sa prestihiyosong paaralang ito sa Estados Unidos
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Walang pagsidlan ng kaligayahan ang proud na anak ng magsasaka sa Capiz na si Aldrean Paul Elvira Alogon.
Isa kasi siya sa 11 na mapalad na napili upang pagkalooban ng full tuition scholarship na nagkakahalaga ng $300,000 o nasa ₱15 million sa Wesleyan University sa Amerika.
Ayon kay Rama Co ng Philippine Daily Inquirer, nasa bus noon si Aldrean nang malaman ang napakagandang balita.
Ang mas kahanga-hanga pa kay Aldrean ay ang pagyakap niya sa kanyang pinagmulan at ang pagkapit niya sa kanyang mga pangarap na unti-unti nang natutupad.
Nagtapos siya bilang valedictorian sa Sigma Elementary School kung saan sa kanyang murang edad at kinakitaan na siya ng angking galing sa Agham.
Suportado siya ng kanyang ina na dating punong-guro at ng ama na isang magsasaka. Sa kasamaang palad, pumanaw na ang kanyang ina noong 2015.
Ngunit patuloy pa ring nagsumikap si Aldrean at di matawaran ang sunod-sunod na biyaya lalo nasa kanyang pag-aaral.
Sa Philippine Science High School Western Visayas Campus sa Iloilo City siya nag-high school.
Dito mas lumawak ang kanyang oportunidad upang pagyamanin ang kanyang kaalaman sa Agham gayundin sa agrikultura dahil na rin sa kinagisnang pamilya.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.
Dalawang beses rin siyang nakasama sa team para maging kinatawan ng Pilipinas sa International Olympiad on Astronomy and Astrophysics.
Bagaman at di pinalad na magwagi, doon mas lalo niyang napagtanto ang kakulangan ng ating bansa pagdating sa mga pasilidad upang magkaroon ng kumpiyansa sa mga ganoong klaseng pandaigdigang kompetisyon.
Ang pinakabagong proyekto ni Aldrean ay ang urban gardening seminar para sa mga indigent mothers na nasa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Sa kabila kasi ng pagkahilig niya sa astronomy, mas isinasaalang-alang niya ngayon ang makatulong sa komunidad gamit ang kaalaman niya sa Siyensa.
Kaya naman nang malaman niyang pasok siya sa Wesleyan University, alam niyang mas lalawak pa ang kanyang kaalaman na siyang maibabahagi naman niya sa ating bansa.
Nangunguna kasi ang unibersidad na ito pagdating sa pagbibigay ng scholarship sa mga kabataang may kaalaman sa mga science research.
Tunay na karapat-dapat si Aldrean sa paaralang ito at tiyak na di niya bibiguin ang kanyang ama, ang kanyang komunidad at higit sa lahat, ang ating bansa.
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks up about how his and Marian's lives have changed after the birth of their second child.
Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh